Hindi ko alam kung bakit ganyan,
At dito humantong ang ating pagmamahalan.
Sabi mo walang di mo ko iiwanan,
Kumapit na naman ako sa pangakong walang kasiguraduhan.
Mga planong ating binuo,
Nawala na lang at pangarap natin ay gumuho.
Sabi ko sa'yo ayokong magplano,
Kasi sa huli iyon ay mapapako.
Masakit para sa aking ang lahat,
Iiwanan mo ko sa isang iglap.
Sa huling pagkakataon gusto kitang mayakap,
At masabi kung gaano kita kamahal.
Kung magbago ang iyong isipan,
Bumalik sa akin kahit pa matagalan.
Hindi ko kailangan ng bagong kasintahan,
Kung hindi naman ikaw ang masusulyapan.
Ikaw ay aking hihintayin,
Hanggang sa handa ka na sa akin.
Sabihin ang nais sabihin,
Pakikinggan kita kahit anuman ang sasapitin.