Chapter 2 - Evo Buenafe

20 0 0
                                    

Athena's POV

"Hoy athena! Gising na aba!" 

Hmmm... Sino ba yun? Natutulog ako ehh. Istorbo.

"Mamaya na inaantok pa ako ehh." yun na lang nasabi ko. Inaantok talaga ako eh.

Maya-maya pa at hindi na nanggulo kung sino naman yun. 

Pero may naramdaman akong maiinit na hangin malapit sa tenga ko. Hindi ko na lang yun pinansin kung ano man yun. Inantok ako okay!

"Gigising ka o hahalikan kita?" 

Kahit inaantok ako nagawa ko pa ding umupo kaagad at itulak si Evo. "Sira ulo ka talaga. bakit mo ako hahalikan."

At ayun na naman siya. Tawa ng tawa ng tawa. "HAHAHAHAHA! Ako hahalikan ka? Baka nga ikaw pa humalik sa akin eh."

"Sapakin kita eh. Anong oras na ba?" 

"4 pm." 

"ANO?! 4pm. Bakit di mo ako ginising?" 

Nakakainis siya. Sabi ni manong kasi kanina sa akin, aalis daw kami ni mama agad pagkatapos ng press con. Dapat ang tapos nun 2pm. Kaya dapat 2pm nasa bahay na ako kasi aalis nga kami. Ngayon sinasabi sa akin neto'ng mokong na to 4pm na?! Patay ako kay mama eh, minsan na nga lang siya magyaya hindi pa ako sasama?

"Hoy hoy hoy. Para sabihin ko sayo kanina pa kita ginigising. Tingnan mo nga wala na si manong! Kanina pa kasi ikaw tulog 3hrs na! Buti nga di kita iniwan dito. Pasalamat ka." nakangisi niyang sabi.

"Okay eh di salamat. Pwede na ba yun?"

"Ayoko ko gusto ko yung sincere." 

"Sincere?! Baliw ka! Akin na nga yung phone ko! Aalis na ako BYE!!"

Alam ko magsasalita pa lang siya pero di ko na pinatapos. Kinuha ko na yung phone ko tapos pumunta na ako sa bahay.

Pagdating ko sa bahay. Hinanap ko kaagad si mama. Pero wala akong nakita, si manang lourdes lang ang andon.

"Manang si mama po?" tanong ko sa kanya.

"Ay wala ma'am umalis po. Kanina pa nga kayo hinihintay eh."

"Ah.. Saan po ba siya pumunta?" 

"Sa probinsya daw po. Namatay daw po kasi yung lola niyo eh." 

"Po? Bakit hindi niyo sinabi agad?" napataas ang boses ko, sa sobrang gulat.

Tumakbo agad ako papunta sa bahay nila evo. Nagderederetso ako papasok ng kwarto niya. Welcome naman ako dun sa bahay na yun anytime.

"Hoy evo! Peram ng phone mo bilis!!" hinihingal kong sabi sa kanya.

Nakahiga siya sa kama niya habang nanunuod. "Bakit? Binilhan na kita ah!"

"Binilhan mo nga ako ng phone! Hindi mo pa dinamay yung simcard! Akin na bilis!"

"Nasa study table kunin mo na lang!" 

Walang reaksyon yung pagkakasabi niya! Baliw talaga to hindi ata tao.

Kinuha ko yung phone niya. Pero napatigil ako ng makita ko yung casing ng phone niya. Kaparehas siya ng akin, yun nga lang blue yung sa kanya. Pero kaparehas talaga. Ang cute tuloy. Buti pa yung casing ng phone cute. Yung may ari katacute.

"Oh wag mo ng tingnan! Sinandya ko talaga na parehas tayo. Gaya nga ng sabi ko kanina para kahit sa phone man lang magkapantay tayo." pang-aasar niya sa akin.

Kapal ng muka! Bahala nga siya. Tatawagan ko na lang si mama. Bakit di niya man lang sinabi na wala na si lola? :(

<PHONE CALL>

He's my BESTFRIEND/BOYFRIEND?!&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon