Athena's POV
"Clas, I'll give you 5 days to prepare for the festival. Kelangan niyong makaipon ng fund para may madonate tayo sa charity natin okay. And it's your last year to participate in our yearly festival. Kaya kelangan maging mas masaya yung booth na gagawin niyo, Okay." announcement ni Mrs. Cruz. "Kelangan ko din pala'ng hatiin kayo sa dalawang grupo. First group dun sa group nila Athena. Second kila Evo." dagdag pa ni Mrs. Cruz.
Grabe heaven yun! Di ko makakagrupo si mokong. Buti na lang..
"Ah, ma'am pwede po bang kay Athena na din ako? Baka po kasi maging busy ako. At hindi ko pa maasikaso ng maayos." request ni Evo.
At talaga namang nagrequest pa tong mokong na to ah!! Nako sana hindi pumayag si ma'am.
"Sure, Evo. Kay Belle na lang yung isang grupo, Okay lang ba belle?" sabay tingin kay Belle ng naka ngiti.
"Yes ma'am" pagsangayon naman ni Belle.
Umalis na si ma'am at iniwan na yung section namin. Buti na lang talaga at nahati kami sa dalawang grupo. Ang iharap kayang ihandle ng section namin. Lalo na yung mga classmates namin na fangirls din ni mokong! Grabe!
"Hoy Athena!" ayan na nadidinig ko na si mokong!
"Oh bakit?!" mataray kong sagot sa kanya. Ewan ko ba kung bakit ako nagtataray sa kanya. Wala lang trip ko lang...
"Ang taray mo ah! Di bagay muka kang baliw! Ngumiti ka na lang!!!" lumapit siya sa akin at tinapat niya yung muka niya sa muka ko ng sobrang lapit! "Kasi kung hindi..." pabitin pa tsss... "Bababuyin ko yang pisngi mo...." pinsil niya yung pisngi ko tapos inistretch hanggang sa lumabas yung mga ngipin ko at mapangiti na din. "Ayan mas bagay!" sabi niya sa akin tsaka tumabi sa akin.
Nakatingin lang ako sa kanya at pinapakawalan ko ang 'bakit mo ginawa yun? nakakahiya' look ko sa kanya. Siguro napansin niya kaya tumingin siya sa akin at pinakawalan ang 'baliw ka eh ano naman sayo' look niya.
"Magsalita ka na, naiinip na yung groupmates natin!" pagsungit na sabi na naman niya. Okay back to normal, with my monster bestfriend na naman.
"Okay, guys fun house sana yung gusto ko? Fun siya and exciting. Mahihirapan nga lang tayo gumawa at mag set up. Pero kaya naman natin diba?" nakangiti kong announce sa mga classmates ko.
Mukang wala naman silang reklamo kasi umuoo na lang silang lahat.
"Ah, Athena kung fun house ang gagawin natin. Diba dapat malaman na natin kung saan tayo dapat pumwesto?" tanong ng isa kong classmate.
"Yes. Kaya nga dapat wala tayong sasayangin na oras diba. So sana walang aabsent okay? Kung kinakailangan na abutin tayong ng magdamag sa school okay lang diba?" nakangiti kong tanong sa mga groupmates ko.
Lahat naman sila sangayon. Kaya sana maging masaya to.
***
Day 1 - school festival preparation.
"Guys kilos na! Yung mirror na inorder natin okay na ba?! Yung iba't ibang props ayos na ba?!" natatarantang sigaw ko sa mga groupmates ko.
Kinakabahan na kasi ako eh, feeling ko palpak tong naisipan ko. Fun house ba naman?! Ano ba naman yun! "Here take this!"
"Ay kalabaw!" kamuntik ko ng malaglag yung bote ng pintura dahil kay Evo. "Ano ba yan evo. Muntik ng matapon tong hawak ko oh!"
"Pwede ba wag kang sumigaw? Can you please minimize your irritating voice? Daig mo pa yung mga fangirls ko eh."
BINABASA MO ANG
He's my BESTFRIEND/BOYFRIEND?!"
Novela Juvenil"Hiding feelings for someone is really not easy. Specially if that someone is your 'FAMOUS BESTFRIEND' ?!" (c) YourBeautifulBabe_ All Rights Reserved 2014