The Goat Song ~Prologue~

177 2 2
                                    

THE GOAT SONG
By: NashGentiles

Prologue -=-=-=-=-=-

“Jino, sino yong katabi mo?” Pakabang tanong sakin ni kuya Aaron habang nanonood kami ng horror movie sa sala. Panguya-nguya pa ‘ko ng tsitsirya sa harap ng TV habang siya naman nasa gilid ko. Nakasalampak lang kami sa sahig kahit may upuan sa likoran namin. Around 11pm na no’n at nakapatay lahat ng ilaw. Liwanag lang ng TV yong source ng ilaw namin para damang-dama yong movie.

“Kuya, nananakot ka nanaman, e…” Sagot ko sakanya habang unti-unti na akong kinakabahan. Lumingon nalang ako sakanya at hindi ko na masubo yong hawak kong tsitsirya kahit malapit na 'to sa bibig ko. Hindi ko kayang lingunin yong tinuturo niya sa gilid ko. Natatakot ako.

“Jino, nakatingin siya sayo...” Unti-unting nang napapaatras si kuya sa dingding na parang pati siya natatakot na rin.

“Kuyaaaa!!! 18 ka na pero ganyan ka parin! Isusumbong kita kela mama!” Naiiyak na ‘ko habang sinasabi ko yan kay kuya. Anglalalim ng mga hininga niya at yung tingin niya do’n sa tinuturo niya e nakakakaba talaga.

“Jino, anghaba ng katawan at mga biyas n’ya... Angtangkad niya... Parang anino lang siya pero kitang-kita mukha niya... Parang nakangiti siya... Nakangiti siya sayo, Jino!” Sa puntong ‘to napapapaniwala na ‘ko ni kuya. Yong itsura at galaw niya kasi habang tinititigan ko s’ya e natural na natural.

“JINO, LUMALAPIT NA SIYA DITO!!! MAY DALA SIYANG KUTSILYO!!!” Bigla siyang napatakbo sa kusina at do’n nagtago habang ako, napaiyak na talaga at napatakbo na rin sa kwarto nila mama sa pangalawang palapag ng bahay nang hindi parin nililingon yong direksyon kung nasa’n yong tinuro niya.

“Hahahaha! Napaniwala ko nanaman si Jino. Napakamatatakutin talagang bata no’n. Di naman ako gano’n kaduwag no’ng 9 years old palang ako. Hahahaha! Nasaan na kaya ‘yon?” Sinilip ko ulit yong sala. Wala na si Jino, hindi na siya bumalik.  “Nagtalukbong na yata yon ng kumot sa kwarto niya o kung saan man siya nagpunta. Hahahaha! Angduwag!”

Naiwang nakabukas yong TV at patuloy parin sa habulan yong mga characters sa horror movie na pinapanood namin.

No’ng pabalik na sana ako sa sala at patayo na 'ko sa pagkakatago ko sa ilalim ng lababo, napansin kong parang may itim na something sa direksyon na tinuro ko kay Jino kanina. Though madilim ang paligid, mapapansin mo parin na may mali. Nabigla ako nang makita kong nandoon na talaga yong nakakatakot na nilalang na gawa-gawa lang naman ng isipan ko.

Bigla akong napaatras sa pinto ng kusina kaya kumalabog ‘to. Nakita kong lumingon sakin yong bagay na yon at lumapit. Paatras naman ako ng paatras sa loob ng kusina. Lumulutang rin talaga siya at kung paano ko naisip yong itsura niya habang kinukwento ko kay Jino ay gano’ng gano’n din siya no’ng nakita ko na.

Habang papalapit siya sakin, unti-unti syang ngumiti at nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nanigas na ‘ko sa takot at naluluha. No’ng sinubukan kong sumigaw......

"AAAAGGGHHKKKKKGGGHHH!!!"

 

1:13am, napagdesisyonan kong sa kwarto nalang nila mama matulog. Yon nga lang, hindi parin ako makatulog dahil natatakot parin ako sa kwento sakin ni kuya. Ginusto kong buksan yong ilaw. Nakakatakot kasi pag madilim. Tumayo ako at pinindot yong switch na malapit sa pinto ng kwarto.

Hindi pala talaga nakasara yung pinto. May konting awang kaya naisipan kong silipin na rin yong unang palapag. Hindi ako lumabas ng kwarto. Yumuko lang ako sa pinto para may maaninag sa baba. Katapat lang naman kasi ng hagdan yong kwarto nila mama. Naaninag ko yong liwanag nong TV pero kulay blue na. Tapos na siguro yong palabas...pero bakit nakabukas parin yong TV?

Sa puntong ‘to, kahit kinakabahan ako, nilakasan ko loob kong bumaba para patayin yong TV pati na rin yong DVD player. Inisip ko nalang na biro lang naman ng kuya ko yong pananakot nya sakin kanina kaya naglakas-loob ako.

Nong papatayin ko na sana yong TV, napalingon ako sa kusina.

Napansin kong parang may pulang likido sa sahig na gumagapang palabas ng pinto. Nong nilapitan ko, parang anglapot. Sumilip ako sa loob ng kusina at sinundan ng tingin tong likido kung saan yon nagmula at...

Nakita ko ang katawan ni kuya Aaron nakahalindusay sa sahig malapit sa kalan at may saksak ng kutsilyo sa leeg...

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

THE GOAT SONG ~Prologue~

The Goat SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon