Chapter 1

61 2 4
                                    

THE GOAT SONG

By: NashGentiles

Chapter 1 -=-=-=-=-=-

“SHITTT!” Nasigaw ko nalang yan bigla no'ng naalimpungatan ako... Nakatulog nanaman pala ‘ko sa klase. Buti nalang hindi narinig ni prof. Nakakahiya! Angbait pa naman din nito...at angganda pa. Hehe. Nagulat ko yong mga kaklase ko na nasa paligid ko.

Teka, bago natin ipagpatuloy ang kwento, magpapakilala muna 'ko.

Ako nga pala si Steven Jonas Dominguez, 19 years old. 3rd year College na ‘ko at medyo may kalayuan ang bahay ko sa school, pero kahit na gano’n, hindi ako pinagdo-dorm ni mama. Mapapariwara raw kasi buhay ko kaya araw-araw ko kailangang gumising ng maaga para tahakin ang ilang syodad makarating lang ng school at di ma-late—na isang bagay na gabi-gabi kong pinagdudusahan dahil may insomnia ako. Sabi nila, at alam ko sa sarili ko na gwapo ako. Hindi naman sa pagmamayabang pero matangkad ako, moreno, tama lang ang timbang, makinis ang balat, tsinito, at mamula-mula ang labi.

Pero kahit gwapo ako, bobo ako sa Math at NAKAKAKILABOT ang KABOBOHAN ko dito. Well, tanggap ko na rin yon dahil kinder palang talaga ‘ko, nakitaan na ‘ko ng kakaibang taglay na kabobohan sa Math... Let's take a look at the past, in my kindergarten memories.

Teacher: 1+1=…?

Buong Klase: Twoooooo!

Teacher: 2+2=…?

Buong Klase: Fooooour!

“Pa’no n’yo ba nagagawa yan?” Pabulong ko sa katabi ko sa row 1. Hindi ko na maalala pangalan n’ya, e.

“Hahahaha! Maaaa’am! Hindi parin po gets ni Jonas ‘yong addition!” Pagsumbong niya sa teacher namin na rinig na rinig ng buong klase.

Buong Klase: HAHAHAHAHAHA!!! *Di niya parin gets!* *Bobo mo, Steven!*

O, diba, bobo? Nasa’n na kaya yong kaklase kong yon? Siya lang tumatawag sakin ng Jonas, e.

Anyways, BS Food Technology ang kurso ko. Akala ko makakatakas na ‘ko sa Math dahil sa field ng puro pagkain ang tinahak ko… ISANG MALAKING PAGKAKAMALI YON NG BUHAY KO!!! Dahil sa may teknolohiya ang kurso ko, may Science ito. Under ng Science ang Math kaya patay tayo diyan! May major subjects kami sa Biology at Chemistry. Pinag-aaralan namin yong mga chemical processes sa pagkain kaya may computations na nagaganap. Isabay pa natin ‘tong minor subjects naming Algebra, Trigonometry, Accounting, Business Math, at kung anu-ano pang freaking Math subjects kaya wala talaga ‘kong takas… Kailangan ko nalang talagang tanggapin na may mga bagay talaga sa mundo na kahit anong takas mo sakanya, siya at siya ang hahabol sayo. :’(

Yeah, angdrama. Ipagpatuloy na nga natin ang kwento!

“Dammit, Steve, you scared the devil out of me!” Reaksyon ni Sofi. Nakaupo siya sa harap ko at nilingon ako.

“Dammit, Steve, you scared the devil out of me!” Panggagaya ko sakanya with that pangasar face. Inirapan niya lang ako at humarap na ulit sa board.

“Yuck, Steve, naglaway ka pa yata habang natutulog.” Sabi ni Carl sa likoran ko habang tinuturo yong basa sa lamesa ko.

“Fuck!” Reaksyon ko sabay simpleng punas ng towel sa lamesa, “Ehehehe…”

“#MejoKadiri” Parinig ni Venus sa gilid ko sa kanan habang nakasalumbaba at nakatingin lang sa harapan.

“Hoy,” Sagot ko sakanya. Pero hindi ako galit. “May atraso ka pa sakin, a. Hindi mo parin binabalik yong extra calculator ko. Iniiwan mo lang palagi sa bahay niyo.”

The Goat SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon