Chapter 3

47 1 0
                                    

THE GOAT SONG

By: NashGentiles

Chapter 3 -=-=-=-=-=-

Bago mag-8pm, nilinis na namin ang kwarto ni Sofia. May mga kanin kasing nakalat habang kumakain kami kanina. Nagulo rin namin ang higaan niya dahil nagpagulong-gulong kami do’n. Nang matapos na kami, nagpaalam na kaming uuwi na. Sinuot na namin ulit ang mga sapatos namin sa sala at lumabas na ng pinto. Habang sa paglalakad namin, inisip ko kung anong magandang ipang-regalo kay Ma’am. Hindi namin alam ang schedule ni ma’am sa ibang araw bukod sa Wednesday dahil tuwing Wednesday lang namin siya name-meet sa school at bihira na namin siyang nakakasalubong sa school. Ha-huntingin nalang talaga namin siya bukas sa faculty room. Bakit pa kasi namin nakalimutang birthday niya ngayong Wednesday, January 22, e. Medyo hassle tuloy.

Nagpatuloy ang gabi at sa pagdating ko ng bahay ay dumeretso na agad ako ng kwarto ko at nahiga. Matutulog na ‘ko. Pagod na.

~

10:23am. January 22, Wednesday.

……Nabigla ako nang makita kong nandoon na talaga yong nakakatakot na nilalang na gawa-gawa lang naman ng isipan ko……

……Habang papalapit siya sakin, unti-unti syang ngumiti at nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nanigas na ‘ko sa takot at naluluha. No’ng sinubukan kong sumigaw……

“Nak, gising… Aaron…” Bigla kong narinig boses ni mama at nagising sa mga kalabit niya. Bigla akong nakahinga ng maluwag nang makita ko siyang nakaupo sa higaan ko. Pawis na pawis ako.

“Anong nangyari sayo? Pawis na pawis ka, o.” Tanong niya.

“Nakakatakot po sobra panaginip ko, Ma.” Sagot ko.

“Kita mo na. Napapanaginipan mo na mga napapanood mo. Sabi ko naman kasi sayo, ‘wag ka na manood ng horror movies.”Sermon sakin ni mama. “Hindi yun totoo. Panaginip mo lang yon.” Sabay punas ng mga pawis sa noo ko gamit palad niya. “Hala, sige na, tayo na diyan. May klase ka pa.” Ngumiti siya sakin at tumayo na. “Bumaba ka na agad, ha. Baka ma-late ka.” Habol niya bago siya lumabas ng kwarto at isinara ulit ang pinto.

Tinignan ko ang cellphone ko kung anong oras at date na. 10:31am, January 22, Wednesday.

Habang bumababa ako ng hagdan, pilit kong inaalala ang buong pangyayari sa panaginip ko. Hindi ko na kasi matandaan bago ko makita yung nakakatakot na nilalang sa kusina. Yung ngiti niya, nakakapanindig balahibo. Anghaba ng katawan at mga biyas niya at nakita kong may hawak siyang kutsilyo. Buti nalang nagising agad ako ni mama bago pa siya may gawing masama sakin. Sabi raw kasi ‘pag namatay ka sa panaginip mo, mamamatay ka rin talaga sa totoong buhay.

Handa na ang almusal sa lamesa pagkababa ko. Umupo na ako at pinalipas nalang muna ang nakita sa panaginip since panaginip lang naman yon at hindi totoo. Kumain ako ng mabilisan at naligo. Nagsuot ng uniporme, Nanalamin, inayos ang buhok, nagpabango, at bumaba ng sala para suotin ang mga sapatos ko.

“Ma, ‘yong susi po ng sasakyan?” Tanong ko kay mama.

“Ito anak.” Inabot niya sakin habang papalabas na ‘ko ng pinto.

“Ma, pakisabi po kay Jino na manonood po ulit kami ng horror movie mamayang gabi. Bumili po siya ng tsitsirya kamo.” Pahabol ko kay mama.

“Yan ka nanaman, nak, e. Tapos mapapanginipan mo nanaman sa gabi.” Babala ni mama. “Sige-sige. Umuwi ka kaagad pagkatapos ng klase.”

Lumabas na ‘ko ng pinto at dumeretso sa garage. Sumunod naman si mama para isara yung gate paglabas ko. Mahal ang pagkakabili ng mga magulang ko sa sasakyang ‘to at customized ito. Pinaangasan ko rin ang pagkakadesenyo dahil mahal na maha ko ‘tong sasakyan kong ‘to. Pinili ko ring kulayan ng dilaw para kapansin-pansin sa daan pag umaandar, although medyo dumihin ang kulay, lagi ko naman ‘tong kina-carwash.

*Brooooom*

Lumabas na ‘ko ng gate at nakita ko si mama kumaway sa side mirror at isinara ‘yong gate. Napakabait talaga ng mama ko. Wala akong masabi.

Ako nga pala si Aaron Emmanuel Cabral, 18 years old, 3rd Year College, BS Hotel and Restaurant Management student. Matangkad akong tao. Maputi, bilugin ang mata, matangos, malinis sa katawan at ma-style sa buhok. Gusto ko palaging naka-wax ‘to at maganda ang pagkakagupit. Mahilig ako mangolekta ng mga antique na bagay at gustong gusto ko ang mga subjects tulad ng History, Sociology, Geography, World Literature, at kung anu-ano pang related fields. Hindi ko nga alam kung bakit BSHRM ang kinuha kong kurso, e. Mag-aaral nalang siguro ako ulit pagkatapos ko dito.

May kapatid akong mas bata sa akin at maarte rin sa buhok tulad ko. Nagpapaturo siya sakin palagi kung paano ko inaayos buhok ko. 9 years old palang siya at kahawig ko siya noong kaidaran niya. Grade 4 at nangunguna palagi sa klase. Matalino sa Math, Science, English, Hekasi, Filipino, MSEP, at pati ang GMRC, hindi niya pinatawad. Basta sa lahat. Mahilig din siyang manood ng horror movies tulad ko pero masyado siyang matatakutin at masyadong iyakin. Oo nga pala. Siya nga pala si Jino Angelo Cabral.

Dumating ako ng school after 20 minutes ng biyahe. Mabilis lang ang byahe ko sa mga ganitong oras. Wala na kasing traffic, hindi na rush hours. Ipinark ko na sa harap ng gate ng school ang sasakyan ko. Mas gusto kong dito ‘to pina-park para mas pansinin. Hindi naman sa pagmamayabang pero oo, pinagmamayabang ko talaga ‘tong sasakyan ko lalo na sa mga kaibigan ko. Napapansin din kaya ‘to ng babaeng kinahuhumaligan ko dito sa school? Hmm…

Pagka-secure ko sa sasakyan, pumasok na ‘ko ng campus. Chineck ko ang oras at 11:40am na. Lumingon-lingon ako sa paligid dahil alam kong breaktime ng crush ko from 11am to 12pm tuwing Wednesday. Pagkadaan ko ng lobby, natanaw ko siya sa grass field, nagla-lunch kasama mga kaibigan niya. Kilala ko lahat sila dahil gano’n ako ka-dead sakanya. Gusto ko ring kilalanin pati mga kaibigan niya. Hindi ko lang alam kung kilala nila ‘ko, pero kilala ako no’ng babaeng like na like ko dahil nakaka-text ko na siya since nakuha ko number niya sa Facebook.

Habang kumakain sila, yong tsinito, si Steve, mukhang may kinukwento sa kanila. Tutok na tutok sila tapos maya-maya, parang nabigla sila. Yong mukhang batang si Katy at yong mukhang mataray na si Venus biglang napatakip ng labi. Yong mukha namang matipunong lalakeng si Carl, natigilan lang. Habang yong babaeng kinababaliwan ko, si Sofia, nag-freak out at napakapit pa kay Venus.

“MY GOSH! THAT DREAM WAS SO CREEPY!” Sigaw niya. Narinig ko mula sa lobby at natawa. Hayy… Ang-cute niya talaga… Kaya gustong-gusto ko siya dahil kahit mukha siyang maamo, may side siyang nakakatawa, e. Ano kayang pinag-usapan nila? Siguro nakapanaginip din ng nakakatakot yun si Steve tulad ko kanina.

Chineck ko ulit kung anong oras na. 11:50am na. Tinapos na nila pagkain nila. Mga tulala na. Nakakatakot talaga siguro yong kinwento ni Steve para magkaganyan mga mukha nila. Haha! Ang-cute talaga ni Sofia…

Maya-maya, nagligpit na sila. Nagsitayuan at pumunta na sa next  and last nilang klase para sa araw na ‘to habang ako naman, pumunta na rin sa first and only class ko para sa araw na ‘to. 12pm din start at 3pm ang end tulad ng sakanila.

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

THE GOAT SONG ~Chapter 3~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Goat SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon