THE GOAT SONG
By: NashGentiles
Chapter 2 -=-=-=-=-=-
Food Chemistry laboratory class namin ngayon. Sinusubukan naming i-determine ang calcium content ng isang milk sample. Wala akong naging kagrupo sa mga tropapipz ko pero sila Carl at Venus, magkagrupo, at si Katy at Sofi naman, nasa iisang grupo rin. Angsaya nga ni Sofi nung nalaman n’yang kagrupo niya si Katy, e. Ligtas na raw siya sa laboratory reports since mahina rin siya sa Math tulad ko. Sa grupo ko naman, hindi ko masyadong close yong mga groupmates ko. Kakilala at kaibigan ko rin naman sila pero pigil ang galaw at salita ko. Baka kasi kung anu-ano marinig ko pag di nila magustuhan ugali ko, e.
“So anong balak natin mamaya after class?” Tanong ni Venus kay Carl.
“Balak ‘natin’ after class? Anong ibig mong sabihin?” Sagot niya kay Venus ng may ngiti sa labi. “Ibig mo bang sabihin… Yong ano… Alam mo na. Hehehe.”
“#OMG. What a nasty little green mind you have, Carl!” Sabay siko ni Venus kay Carl.
“Uy, ‘wag harsh. Baka masagi ko yung graduating cylinder.” Ganyan niya tawagin yung graduated cylinder kasi bakit daw kailangang ‘graduated’ at bakit kailangang naka-past tense? Kaya ginawa niyang present form. Dati nga, si Sofi, ginawa n’ya pang ‘should-have-been-graduating-but-failed-a-subject cylinder’ yun, e, pero sobrang korni kaya kinalimutan nalang namin.
“Sayang, sana nilakasan ko pa pala ng konte para nasagi mo talaga! Anyways, what I mean is… Natin. Nating grupo after class. 3pm naman ang labasan. Maaga pa naman, e.” Paliwanag ni Venus.
“Tanungin nalang natin sila mamaya.”
“K.”
*KKRRRRIIIIINNNGGGGG*
Sa wakas at natapos din ang klase! Ayoko talaga sa mga ganitong subject! 3 hours straight pa naman din ‘to. Pakiramdam ko, nawawalan ako ng pag-asa sa future ko lalo na ‘pag nakikita kong nagko-compute mga kaklase ko at ako naman nando’n lang sa gilid, hindi alam ang ginagawa. Ang-awkward namang magpaturo habang busy sila. Nakakairita kaya yon lalo na ‘pag slow maka-pick up yong tinuturuan. Kaya do’n sa gilid nalang ako palagi at naghihintay ng himala.
“Angganda yata ng ngiti ni Sofi ngayon.” Puna ni Carl.
“Ha? Wala… Na-gets ko kasi pagko-compute ng amount calcium no’ng milk sample kanina.” Sabay harap at yakap kay Katy, “Thank you, Katyyyy! I love you so so effing much! You surely are a gift from heaven!”
“Welcome Sofiiiii!” Reply ni Katy at yumakap din pabalik.
“Buti pa kayo…” Paramdam ko sa gilid with that black aura surrounding me. I looked so hopeless.
“WAHAHAHA!” Hagalpak ni Venus, “Hindi mo nanaman nagamit calcu mo, no? HAHAHAHA!” Napahawak pa s’ya sa tiyan n’ya kakatawa.
“Ewan ko sayo, Venus…” Dahil sa sinabi niya, mas na-down ako sa sarili ko.
“Turuan kita, Steve, gusto mo?” Proud na proud na Tanong ni Sofi. Nagkikinangan pa mga mata niya at angsaya-saya n’yang natuto talaga s’ya sa activity namin kanina.
“Oo, tuturuan ka namin, Steve, don’t worry!” Singit ni Katy.
“Uhmm… Ok…” Sabi ko. Pilit ko nang inangat sarili ko after no’n para hindi ako makasira ng mood.
“So, okay, guys, sa’n na tayo ngayon?” Tanong ni Carl sa lahat.
“SA BAHAY NG MGA SERRANO!” Nakataas pa kanang kamay ni Venus habang pinaglalaban ‘yan. “Komportable do’n, e.” Sabi n’ya sabay ngiti kay Sofi.
BINABASA MO ANG
The Goat Song
Mystery / Thriller~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Author's Note: Hi, guys! First fiction ko 'to at mahilig ako sa PLOT TWISTS. Kung gano'n rin kayo, edi magkakasundo tayo. Maraming happenings dito na magpapa-"Aaaa... Kaya pala..." sa inyo at magbubuo ng mga tanong sa isi...