Hoy Bess

25 2 0
                                    


"Hoy Bess"

Hoy bess
Salamat sa pakikinig sa mga walang kwenta kong kwento.
Sa nga kwentong wala naman kabuluhan
Sa mga kwentong ikaw lng ang nakikinig

Hoy bess
Salamat sa mga pagbatok mo sa akin
Kung saan sa mga batok mo nagigising ako sa pagiging tanga ko sa kanya
Sa mga batok mong walang kasing sakit

Hoy bess
Salamat sa mga sermon mo
Na daig mo pa si mama kung pagalitan ako
Na mas grabe pa ang pag pingot mo sa tenga ko kung magalit ka

Hoy bestfriend kong bruha
Wag kang kumontra dahil bruha ka talaga
Salamat, salamat sa walang sawa mong pagsoporta sa akin
Na ni minsan ay di mo ako iniwan

Na kahit tinataboy kita minsan di ka lumayo
Na mas gusto mong nasatabi mo lang ako
Na nakadikit sa akin n akala mo ay tuko
Na akala mo ay mawawala ako sayo

Hoy bess
Mahal kita, Mahal na mahal kita
Magkapatid tayo diba?
Hindi man sa dugo pero sa puso oo.

Ikaw at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon