Paghanga

6 0 0
                                    


Nakakatawang isipin
Na dati rati na tinatanggi ko na di tayo pwede
Na hindi tayo mag kakatuluyan
Dahil sa malabong mangyare iyon.

Napakalabo talaga alam mo yun?
Kasi paanong ikaw at ako ay pwede?
Kung sa mga oras na iyun nakasara ang puso ko
Nakasara sa kadahilanan na ayaw na muling masaktan.

Pero inaamin ko
Ako ay may konting paghanga sayo.
Ngunit agad ding nawala noong nalaman kong may kasintahan ka
Na isang dahilan na di talaga tayo pwede

Maraming araw, na naging buwan
Mga kaibigan mo at mga kaibigan ko na nagbibigay motibo
Na ikaw ay may hinahangaang babae
At ako daw iyon

Gusto kong tawanan ang nangyayare
Paanong ikaw ay hinahangaan ako?
Kung sa unang beses pa lng nang pagkikita natin pangit na ang kinalabasan
Pero aaminin ko may sayang dinulot ito sa puso ko

Pero mas pinanigan ko ang isip ko.
May kasintahan ka, habang ako pinapagaling ang pusong durog.
Kaya isinawalang bahala ko iyun
Na darating ang araw na mawawala din iyan.

Ngunit nagulat ako nung bigla mo akong tinawag.
Nakakatawa dahil ang tawag mo sa akin ay "babes"
Alam mo bang parang baliw akong naka ngiti dahil dyan sa tawag mo sa akin?
Nakakainis ka. Paano mo ito nagagawa sa puso ko?

Pero alam kong panandalian lang ito
Dahil sa meron kang kasintahan
At ayokong masira iyon
Nang dahil sa akin

Siguro nga hindi talaga tayo para sa isat isa
Marahil hindi tayo itinadhana
Ngunit salamat pa rin dahil sa nakilala kita
Ikaw na nagbigay saya sa puso kong durog

Ikaw at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon