"Pangako"Na aalala mo pa ba?
Mga pangako na pinagsaluhan natin
Mga pangako na ikaw at ako ang nakakaalam.
Mga pangakong nasiraNangako ka na di mo ako iiwan
Nangako ka na habang buhay kang nandito sa tabi ko
Ngunit bakit ang pangakong iyon ay nawala
Sinira mo ang pangako moBakit kinakailangan umalis ka?
Bakit kinakailangan iwan mo ako na wasak?
Bakit kung kaylan handa na akong lumaban para sayo
Saka ka naman sumukoTanda mo pa ba ang pangako ko?
Nangako ako na ikaw lang ang mamahalin ko
Ikaw lang ang magiging buhay ko
Ikaw lang sapat naNgunit mapagbiro ang tadhana
Umalis ka
Ni hindi ka nagpaalam sa akin
Winasak mo akoMahal kita mahal na mahal.
Ngunit ang sakit lang isipin na kailangan na kitang kalimutan
Kailangan na kitang bitawan
Kailangan mo nang magpahingaAlam kong pagod ka na
Bibitawan na kita
Ngunit ipangako mo
Hihintayin mo ako sa kabilang buhay