Tayo na, di Tayo

19 1 0
                                    


"Tayo na, di Tayo"

Ikaw 'yung taong kinaiinisan ko,
Na gustong gusto ko na mawala sa landas ko.
Ikaw yung laging naninira ng araw ko,
Na akala mo ako lng ang nakikita mo.

Ikaw yung taong gumaganda ang araw,
Kapag ako ang iyong inaasar
At di ko makakasundo kailanman
Na maging kaaway ko habang buhay.

Lahat ng iyan ay nagbago
Nang araw na ako'y mabigo
Ako'y iyong dinamayan
At ikaw pa ang naging sandalan.

Di ko akalain ika'y aking maging kaibigan
Na dadamay kapag kinakailangan
Nagbibigay payo at pag-asa
Sa puso kong nalulumbay.

Ikaw yung taong puno ng pagasa
Laging masigla at masaya
Ikaw yung taong di ko aakalain,
Magugustuhan at iibigin.

Ang akala ko noon 'ikaw' na,
Ang kukumpleto ng buhay ko.
Pero bakit?
Bakit kinailangan saktan mo ako?

Pinapasaya mo ako sa oras oras.
Pinaparamdam na mahalaga ako,
Na ang buong akala ko 'meron n tayo'
'akala' lng pala na 'merong tayo' pero di naging tayo.

Ikaw at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon