Ikaw at Ako

3 0 0
                                    

Ano nga ba tayo?
Sandali, wala pa lng tayo.
Ngunit maaari bang maging tayo?
Yung tayo na may ikaw at ako.

Alam mong mahal kita
At alam kong gusto mo ako
Pero magkaiba sila
Hindi tayo parehas nang nararamdaman.

Gusto kitang layuan.
Gusto kitang kalimutan
Gusto kong umalis sa mundo kung saan nagsimula ang lahat
Ngunit di ko kaya, masyado kitang mahal

Tama ba na gawin kitang mundo ko?
Tama bang mahalin pa rin kita?
Tama bang manatili ako sa tabi mo kung alam kong masasaktan lang ako.
Tama ba?

Hanggang dito na lang ba?
Hanggang mahal kita at gusto mo lang ba ako?
Hanggang ikaw at ako na lang ba?
O magkakaroon pa nang tayo?

Gusto kong tawanan sarili ko kung bakit ako nag papaka tanga sayo.
Kung bakit ako naghihintay sa wala.
Kung bakit mahal na mahal kita.
Kung bakit parang kontento na lang ako na may ikaw at ako kesa ang may tayo.

Ikaw at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon