Via's POVBakit ba sunod sunod ang kamalasan ko ngayong araw. Ano ba yan kutang kuta na ako, pwede bukas naman.
Una na diyan ang pagtira ko sa lolo ko, na wala na akong magagawa kasi nag desisyon na sila daddy and its final. Kahit labag sa loob ko, kailangan kong tanggapin.
Pangalawa ay ang pagsisinungaling namin ni Alex sa daddy niya. Hindi na ako makakatulog sa gabi nito.
And lastly, ang walang kwenta kong engkwentro sa walang kwentang lalaki kanina. Arogante, mayabang, Walang modo, Nakakainis....
Makinis ,Matangkad, Mabango, Matangos ang ilong, Gwapo.
Shit naisip ko talaga 'yun, kahit gwapo siya (at inaamin ko naman) ayoko na siyang makita muli. And aside from Alex, siya ang magdadala ng mas malaking malas pa sa akin."Ms Cervantes, you're late." si Sir Agapito." Umupo ka na kung gusto mo pang mag exam."
Mabuti na lang medyo mabait to si sir at hindi niya ako pinagalitan. Binigyan niya na ako ng test paper. Napadaan ako sa upuan ni Alex na kakasimula lang ata magsagot.
Nakita ko naman sa mukha niya ang bakit-late-ka look. Hindi ko na lang muna pinansin, kailangan kong mag focus sa exam. Dumeretso na ako sa upuan ko sa likod at nagsimula na.
----
"yes! natapos ko na rin ang exam" Nag inat pa ako ng braso habang sinasabi yun, nagutom ako dun ah.
Nakita ko ng biglang lumapit si Alex kay Sir Agapito, habang ang iba ko namang classmate ay papalabas na ng room namin. Dapat pinapauna nila si sir na lumabas, ayan tuloy na corner siya ni Alex. Hehehe
"Sir Aga" tawag ni Alex. Aga talaga, alam na, lumalandi na naman ang lola niyo. Hindi naman talaga bagay ang pangalan ni sir sa itsura niya, ano kaya ang nakain ng mga magulang niya at yun ang pinaregister sa NSO.
Dahil inborn na tsismosa ako eh hindi muna ako lumabas. Nagkunwari akong may inaayos sa bag, hahaha.
" oh Alex, bakit? " lumingon naman si sir sa kanya.
"Ah... nabalitaan ko kasi na magpapart time teaching kayo sa college sa ibang University" Grabe siya alam niya ata talaga lahat tungkol kay sir, baka pati pangalan ng aso ng kapitbahay ni Sir Agapito alam niya
" Yes, I accepted the offer kanina, how did you know?" Kanina lang? at alam na niya agad.agad? Kaya siguro to tumakbo kanina, baka nakita niya si sir.
"I just heard it somewhere" palusot pa "so saang school sir? " cool niyang tanong para hindi mahalata na super curious na siya.
"sa Villamor University."
" oh! talaga sir? what a coincident, dun din kami mag aaral. Diba Via?"
tsk, akala ko ba na pag uusapan pa namin kung saan kami magco-college.Sus, kung alam ko lang na isasali niya ako dito, sana umalis na lang ako. Napansin ko lang na kapag kasama ko siya, palagi na lang akong nagsisinungaling. Bad influence talaga.
"Huh? ah Opo sir, nandun kasi yung gusto ni Alex." Ano ka ngayon,pinadilatan niya lang naman ako.. bWAHAHA. Ngiting tagumpay.
" ahhmmmm.. what I mean is nadun yung gustong.. course ni Alex. hehehe" Para may masabi lang, wala na akong maisip na idudugtong sa sinabi ko."Ah ganun ba, mabuti naman at makikita ko kayo palagi dun. Kaya kung may problema kayo sa mga subjects niyo, wag kayong mahiyang lumapit sa akin."
"Sure sir!!" Sagot ko
"Tulungan ko na kayo diyan sir" marami kasing bibitbitin si sir. Laptop, Test Paper,may mga folders pa. Kaya nag alok ang mabuti kong kaibigan ng tulong.
BINABASA MO ANG
Her Heart
Teen FictionOlivia Star Cervantes, A brave and bubbly girl who believes that "Live life like its your last" even if it hurts. Sa musmos na gulang, alam na ni Via kung gaano kahalaga ang buhay ng isang tao. Lumaki siya sa kalinga at pagmamahal ng mga...