Via's POV
Nandito na ako at nakatayo sa harap ng mansyon ni lolo. Wala pa ring pinagbago ang mansyon, malaki, maganda at tahimik.
"Senorita Via, pasok na po kayo, kanina pa kayo hinihintay ng lolo niyo." Hindi ko napansin ang paglapit ng isang maid sa akin.
"Oy! ikaw pala yan lala"
I'm really glad na nandito pa rin si lala, ang paborito kong kasambahay ni lolo.
Magkaedad lang ata sila nila kuya, kaya medyo magkasundo kami. Si lala ang palaging nag aasikaso sa akin pagnandito ako sa mansyon.
"Diba sabi ko sa'yo na wag mo na akong tawaging senorita, Via na lang."
"Hindi po pwede, pagagalitan po ako ni Don Joaquin" ang tinutukoy niya ay ang lolo ko.
"Pagtayo lang naman ang magkausap, diba magkaibigan naman tayo. Ahh oo nga pala, kumusta na?"
"Okay lang naman po, kayo po? mas lalo ata kayong gumanda"
"Sus maliit na bagay, hehehe. Si lolo kumusta na, masungit pa rin ba?" Naglalakad na ako habang siya ay nasa gilid ko at sumusunod.
"Yun na nga ang pinagtataka ko senorita Via, nitong mga nakaraang araw parang nag iiba na ang ugali ng lolo niyo. Hindi na siya masyadong sumisigaw. Kung dati leon siya ngayon naman para siyang naging kuting." Mabilis na sagot ni lala.
Napahinto naman ako sa sinabi niya.
"Really?" Ito na ba ang himala!? "Bakit ano bang nangyari sa kanya?" Parang good timing ata ang dating ko ah.
Nagsimula na naman akong maglakad, hanggang sa nakarating kami sa harap ng pintuan.
"Hindi ko rin po alam, basta po palagi niya pong hawak yung cellphone niya. Minsan nga tinanong niya sa akin kung ano raw yung facebook."
Oh my ! may facebook na si lolo. I add ko nga siya, baka maging friends na kami.
"Ang daldal mo talaga kahit kailan lala."
Opps nakapasok na pala kami ng bahay at nasa harapan na namin si lolo.
Mabilis akong nagmano sa kanya.
"oh hija, nandito kana pala. Kumusta na ang apo ko?" Nakasmile pang sabi ni lolo.
Tama nga si lala, mukhang good mood si lolo.
"Ayos naman po, kayo po?" nakangiti kong tanong kay lolo.
"Im very good. By the way, nabalitaan ko na malapit nang graduation mo. Congrats apo, at ano bang gustong regalo ng apo ko." umupo siya sa sofa at sumunod naman ako.
Parang nagbabago na talaga si lolo, nagiging sweet na rin siya. Dati kasi, ibang iba ang ugali niya, palagi siyang nakasigaw, lalong lalo na sa mga katulong dito sa bahay.
Kahit sa maliliit na pagkakamali mo, nagagalit agad siya. Kapag hindi niya gusto ang pagkain, pag nakalimutang diligan ang kanyang orchids. Favorite daw kasi ng lola namin ang mga orchids, dati noong nabubuhay pa ito.
Minsan nga pagnandito kami ng mga kapatid ko hindi kami makaalis ng mansyon. Bantay sarado ang mga kilos namin, lalong lalo na ako. Dapat rin pagpatak ng alas otso tulog na kami.
Kaya naman hindi ko masisisi si kuya Shaun na sa condo niya siya mag i-stay. Si ate naman, dito siya uuwi, pero masyadong busy yun sa school. Baka matutulog lang yun dito, tapos aalis na naman. Magta-take kasi sila ni kuya ng summer class, kukunin nila ang ibang minor subjects.
"Thank you po and kahit anong gift okay lang po sa akin"
Gusto ko sanang sabihin na vacation sa Maldives na lang ang iregalo ni lolo sa akin. Pwede ring trip to Korea o di kaya ticket sa concert ni Justin Bieber.
BINABASA MO ANG
Her Heart
Teen FictionOlivia Star Cervantes, A brave and bubbly girl who believes that "Live life like its your last" even if it hurts. Sa musmos na gulang, alam na ni Via kung gaano kahalaga ang buhay ng isang tao. Lumaki siya sa kalinga at pagmamahal ng mga...