Chapter 5

16 2 0
                                    


Via's POV

What a long day, ito na ata ang pinakstressful na araw sa tanang buhay ko. Pakiramdaman ko talaga warm up pa lang tong araw na 'to at may bagyo pang darating. Kaya kailangan maging handa.

Naglalakad ako ngayon sa corridor patungo sa faculty, hinahanap ko kasi Alex. Sabay kaming maglu-lunch, kahit tapos na ang exam, hindi ko parin feel umuwi. Marami kaming pag uusapan ng kaibigan kong nagkaforever na sa katauhan ni Mr. Agapito Flores.

"Alex!" sigaw ko ng makita ko siyang papalabas ng faculty room. 

"Via, 'wag ka ngang sumigaw."

"Hehehe, tara na! libre mo ako lunch." Iniisip ko na kung anong bibilhin ko mamaya. I'm craving for a japanese food, ahmmmm.

"Sorry Via, pwede next time na lang. Sasabay kasi ako kay sir Aga, he wanted to treat me dahil sa pagtulong ko sa kanya. " 

"What? so mas uunahin mo pa ang lovelife mo kesa sa friend mo ?HUHUHU hindi kaba naaawa sa akin, gutom na gutom na ako. At dahil lang tinulungan mo siya na bitbitin ang mga gamit niya eh,itetreat ka na niya agad? Sabihin mo nga sa akin, may iba ka pa bang ginawa ha ?" Mapangmata kong tanong sa kanya.

Iniwan na nga ako ni Cherrie, dahil rin sa lalaki. Grrrr kumukulo talaga ang dugo ko pagnaalala ko ang cheater na yun. Kahit hindi ko pa siya kilala, galit na galit na ako sa kanya.

"Via, once in a lifetime lang tong mangyayari sa buhay ko, atsaka akala ko ba susuportahan mo ako sa lahat ng gagawin ko . This is it, bes, todo na to." Susuportahan ko naman talaga silang dalawa ni Cherrie sa mga desisyon nila sa buhay. Pero, gutom na gutom na ako, hindi ba pwedeng kumain muna kami.

"Kainis ka, sige na, sumabay ka na dun sa forever mo."

"Thank you bes, labyaa. Puntahan na lang kita mamaya sa house niyo,babosh."

Kakain na lang akong mag isa. Pag ako nagkalove life, who you talaga sila sa akin. Sa canteen na nga lang ako kakain, kahit walang japanese food dun pagtitiisan ko na lang.

Nakapila ako ngayon sa may counter, Im holding my tray na may lamang lasagna, red velvet, fries, and pine apple juice. Nawalan na ako ng gana kaya ito lang binili ko, usually kasi mas madami kinakain ko.hehehe

"248 pesos po lahat" sabi sa akin nung cashier, na total niya na kasi lahat ng kinuha ko.

Kinapa ko na ang wallet sa bag , bat parang walang laman tong bag ko. Patay naiwan ang wallet ko!

"Wait lang ate ha." tatawagan ko na sana si Alex o kung sino mang pwedeng tawagan ko para tulungan ako dito. Peste! pati cellphone ko nawawala, hindi ba talaga matatapos ang araw na to ng walang kamalasan.

"Matagal pa ba miss? Marami pa kasing nakapila"

Nakakahiya na, tumingin tingin ako sa paligid baka may miracle na dumating

"Tsk Via, hindi ko alam na naghihirap ka na pala. Lunch lang hindi ka makabayad, gusto mo pautangin kita? " Biglang may sumulpot na hipon sa aking harapan.

Nandito na naman ang kontrabida ng buhay ko, isang malaking epal.Si Cheska, na kasama ko sa drama club. At oo siya ang nag iisang tao dito sa University na mas malaki pa susu kesa sa ulo niya. Siya rin ang nakasagutan ko noong nag audition ako sa club.

"Naghihirap agad? hindi ba pwedeng naiwan lang ang wallet. Kayang kaya ko ngang bayaran kahit ang pagpaparetoke ng susu mo. At maghirap man ako , maganda pa rin ako. eh ikaw? maganda kaba ? "

"Anong sabi mo?!! Panget ako?" Bingi talaga to kahit kailan

"Ikaw ang nagsabi niyan, hindi ako."

Her HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon