Chapter 1

11 2 0
                                    

Jafreia's POV

"Jafreia tara na!!" sigaw sakin ni Prisane sa baba.

Tss bakit ba gusto niya palagi kaming maaga?? Pwede naman kami magpa-late eh...

Binilisan ko nalang ang pag-bihis para di na magalit si bessy.
High blood ata, siguro excited pumatay... First day pa naman ngayon.

Bumaba na agad ako..
"Kain na at baka ma-late pa tayo, first day pa naman ngayon" sabi niya agad sakin... Na may nakakakilabot na ngiti
"Okay" malamig na tugon ko sa kanya.
Kumain na lang kami ng tahimik.

Hindi pa pala ako nakapag-pakilala...

My name is Jafreia Haif Snow.
17 years old.
Eto namang kasama ko ay si Prisane Heistain Spring. 17 years old rin siya.

Nakatira kami sa iisang bahay si Prisane kasi ulila na siya, ako naman may magulang nga pero mukhang ulila di ko sila kasama nandun sila sa Korea.

"Jafreia bilisan mo diyan" sabi sakin ni Prisane.
Binilisan ko nalang ang pagkain ko.

Lumabas na agad kami ni Prisane sa bahay para pumunta na ng school.

Tahimik lang kaming naglalakad ni Prisane papunta sa school. Walking distance lang naman kasi yung school namin at bahay namin.

Mahabang katahimikan ang namayani sa aming dalawa ni Prisane, ng bigla siyang nagsalita.

"Jafreia ano kayang pwedeng gawin, gusto ko nang pumatay" pagbabasag niya ng katahimikan.

"Edi pumatay ka" walang ganang sagot ko.

"Sure ka??" tanong niya sakin habang nagningning pa ang kanyang mga mata at napaka-laki pa ang mga ngiti.

Tumango lang ako. Kaya lang naman ganon ang reaction niya dahil matagal-tagal narin kaming hindi nakapatay.

Pinag-bawalan ko kasi muna siya dahil nung huli siyang nakapatay ay muntik na siyang mahuli.

Tumahimik nalang uli kami pero si Prisane ayun di ma-alis ang ngiting demonyo sa kanyang mga labi.

Tss sino kaya ang mapag-di-diskitahan??

Kawawa naman!!!

Nang makarating na kami sa school ay  nag-kalat na naman ang mga hayop dito sa hallway.

Ano ba yan dapat sa mga hayop na ito ay pinapatay.

"Nandito na ang mga Loser Nerds" sabi ni Joystine.

Tss bakit ba di ko pa ba to pinatay noon??
Ha huwag kang mag-alala Joystine malapit ng matapos ang masasayang araw mo....

*Evil smile*

******

A/n note:
Okay corny nitong story hahahaha....
Bahala na nga....

See you in the next chapter....

Dedicated to: Ttotoy
Hello po😊

The Killer Queens (On Going)Where stories live. Discover now