The Maid

57 1 0
                                    

Bago mag umpisa ang lahat, ipapakilala ko po muna ang sarili ko.

Ako si Monica Chang, 16 yrs old, galing sa mahirap na pamilya kaya kaylangan ko munang tumigil sa pag-aaral.

Mahirap man kami, masaya naman ako sa pamilya ko, nagtutulungan kami, nagdadamayan, at nagmamahalan.

Hindi naman sa pagmamayabang pero angat naman ako sa klase, inspired kasi ako dahil sa pamilya ko. Balang araw, gusto ko silang tulungan sakaling makatapos ako :)

Pero gaya nga ng sinabi ko, kinailangan kong tumigil sa pag-aaral, hindi na kasi kaya nila mama at papa, lalo na ngayong ga-graduate ako ng 4th year highschool, sakitin pa ang kapatid ko. Napilitan kaming tumigil, siguro kapag nakaipon nalang kami saka ko na itutuloy ang 4th year highschool ko.

Gusto kong tulungan ang mga magulang ko kaya nagvolunteer akong mamasukan bilang isang katulong ng isang mayaman na pamilya, at dito na mag-uumpisa ang story ko...

--

"Magandang umaga po!" bati ko nang pagbuksan ako ng gate ng isang matandang nasa 50's niya na yata at naka-uniporme ng pangkatulong.

"Magandang umaga din sayo iha, halika't pumasok ka. Naghihintay na sayo si Madam." sabi ni manang.... "Ako nga pala si Beth, manang Beth ang tawag sakin dito." pagpapatuloy niya. Tumango lang ako na dumiretso papasok ng mansion.

Ang laki ng bahay, feeling ko kasya ang buong barangay namin dito eh. Nakakalula grabe!

Pagpasok ko ng bahay, este! Ng mansion, "A-anong nangyari dito manang?" Ang gulo kasi ng loob, kung anong ginanda sa labas yun naman ang kasukal ang loob. Parang mas maayos pa ang loob ng bahay namin pumpara dito ahh.

"Mabuti naman at nandito ka na!" hindi na nakasagot si manang nang may biglang nagsalita muna sa kusina. Parehong bumaling ang atesyon namin sa isang babaeng maputi at medyo kulot ang buhok. Siya siguro ang amo namin. "Halika iha, mag-usap tayo." pagtawag niya saakin.

Tumango lang si manang at iniwan ako.

aaaaaaahhh~ Bakit parang kinakabahan ako? Ang weird.

"Halika. Ako si Anna, tara sa balkonahe, kailangan muna kitang makausap bago ka magsimula." pag-aaya niya. Sumunod naman ako ng mag-umpisa na siyang maglakad.

Kahit kabado na ako, hindi ko parin mapigilang mamangha sa bawat detalye ng bahay. Kung maayos lang sana ito, siguradong mas may igaganda pa. Pag-akyat namin ng hagdan, sumulyap muli ako sa sala at doon nakita ko si manang na may dalang panlinis. Para siguro ayusin na ang nagulong sala.

"Ahm, ma'am, ano pong ngyari? Bakit po makalat ang sala?" pagtatanong ko kay ma'am Anna.

"Isa na yan sa pag-uusapan natin. Monica, Tama ba?"

"Opo." yun lang ang nasabi ko dahil nakarating na kami sa balkonaheng sinasabi niya. Sobrang lawak nito at may magandang tanawin, mahangin din at presko.

"Maupo ka." sabi niya habang naka-upo na sa silya ng balkonahe.

Umupo ako sa harap niya. Nasapagitan namin ang lamesa na gawa sa kahoy.

"So, Monica kamusta ka naman?" pag-uumpisa niya.

"Okay naman po ako ma'am." nakangiti kong sagot.

"Mabuti naman. Mahaba ba ang pasensya mo?" Bakit naman niya naitanong? Gaano ba kahirap ang trabaho ko at kailangan pa itanong kung mahaba ang pasensya ko?

"O-opo naman ma'am. Bakit niyo po natanong?"

"Mabuti naman kung ganon. Hindi lang kasi basta basta gawaing bahay ang magiging trabaho mo dito."

Better than wordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon