The 18th Birthday

16 0 0
                                    

AN: Halata naman po sa title na nagfast forward na ko, diba?

2 years na po ang nakakalipas!

From 16 yrs old, 18 na sila!!! :)

Listen to Like We Used To Be by A Rocket to The Moon :)

(It has nothing in relation to this chapter) Yan lang yung pinakikingan ko habang nagsusulat nito ;)

Not to mention it's 2:49 AM :D

***

Malamig ang simoy ng aircon~

Joke lang!

Malamig ang simoy ng hangin, madilim ang paligid at tanging mga bitwin lang at ang full moon ang nagsisilbing liwanag. Walang kwenta naman kasi yung mga kandila sa yateng ito! Walang sinabe sa hangin kaya ayun namamatay...

Tapos na kaming kumain ng dinner dito ni John...

Well, speaking of, naramdaman ko siyang yumakap sakin mula sa likod.

"Happy Birthday Yaya!!!"

"Yaya ka dyan? Ang spoiled brat mo ahh!"

"Eh kasi isipin mo nalang, parang dati yaya lang kita pero ngayon, (haha!) yaya ka na ulit...nang mga magiging anak natin."

"Magiging anak? Sabi kaya nung doctor hindi kambal ang baby natin."

"Hindi nga. Sinabi ko bang isang anak lang ang bubuoin natin?"

Naramdaman ko ang paginit ng pisngi ko sa sinabi niya.

"I love you. Alam kong sawang sawa ka nang marinig yan mula sakin. Pero wala akong pakielam, basta mahal kita!"

Parang yung malamig na hangin na kanina lang humahampas sa mukha ko ay hindi ko na maramdaman dahil sa sobrang init ng pisngi ko!

"Ikaw talaga! Hanggang ngayon ang kulet mo parin!" sabi ko sabay ginulo ang buhok niya.

Bahagya naman siyang natawa sa sinabi ko.

Ilang sandali din kaming ganun hanggang sa muli siyang magsalita.

"Monica."

"Hmm?"

"Harap ka sakin." sabi niya at iniharap ako sa kanya.

Tumingin siyang deretso sa mga mata ko at sinabing, "Happy Birthday, Mahal. Mahal na mahal kita." Pagkasabi niya non ay unti unting lumapit ang mukha niya...ipinikit ko nalang mga mata ko at hinintay ang----...

"John? john...JOHN!!!!"

(sa sobrang kaliliyad ko ba naman ay nahulog kami pababagsak sa tubig)

"MOOOONICAAAA!"

"Aaaaaahhhh!"

"Huy! Gising ka na!"

"Huh?"

Nilibot ko ang paningin ko at...

Badtrip! Panaginip lang pala!!

"Monica? Okay ka lang ba?"

"Hmm. O-oo naman, John."

"Mukhang na nanaginip ka yata, iha ah." sabi ni Manang.

"Uhmm.. Opo eh."

"Ano yun?" sabi ni John at lumundag sa kama ko.

Nanagingip lang naman ako na may mga anak na tayo tapos sabi mo mahal mo ko tapos nalaglag tayo dahil muntik na tayong....urrrg! Anong klaseng paasang panaginip ba yon?!!

Better than wordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon