The Son

23 1 0
                                    

"Monica? Monica! Gising na Monica." boses ni manang Beth.

"M-manang? A-anong oras na po?" napasarap yata ang tulog ko. Ang lambot kasi ng kama eh >_<v

"Tanghaling tapat na iha. Buti nalang tangahali din kung magising si John kaya mabuti pa't dalan mo na ng tanghalian."

--

Pagkabihis ko dumiretso na agad ako sa kusina para kunin ang pagkain ni John.

Mukhang alam ko na ang unang ituturo ko sa kanya: Ang maging dependent pagdating sa maliliit na bagay, gaya nalang nitong pagpunta sa kusina at kumain magisa. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko, anak mayaman eh. Sana'y to na nakahanda na lahat ng kailangan.

*knock*knock

"Sir John? Handa ang ang lunch mo, kain na." masigla kong sabi. Dapat umpisahan ang trabaho ko ng masaya, at dapat din daw maging magiliw ako at mapasensya para makuha ko ang tiwala at loob ni John, kapag ganon, mas mapapadali ang trabaho ko.

Ilang segundo akong maghintay hanggang sa labas ng pintuan hanggang sa bumukas ito. Bumungad ang ititableng mukha ni John na mukhang kagigising lang.

"Uhm. Sir kain na po." nilakihan niya ang bukas ng pinto para makapasok ako.

Malaki ang kwarto ni John, kasya yata ang buong bahay namin dito! Mayaman talaga!

Nilapag ko lang ung pagkain niya sa isang maliit na lamesa.

Sinara niya ang pinto at umupo sa silya katabi table na nilapagan ko ng pagkain.

Una niyang kinuha ang tubig at uminom. Pagkatapos ay nilapag niya uli ung baso sa tray na dala ko at tumingin saakin... anong tinitingin tingin nito? ahhm, dapat ba susubuan pa siya?

Tss. Sige na nga!

Sumanok ako sa kutsara ng kanin at bacon, pansin kong mas lalo siyang tumitig saakin na parang naguguluhan.

"Bakit?" tanong ko.

Para naman siyang nagulat pero bumalik din sa pagkalukot ang mukha. Kinuha niya ung kutsara't tinidor at kumain ng tahimik.

Yun naman pala eh! Marunong naman pala siya, buti naman.

Tumingin tingin lang ako sa paligid ng kwarto. Ang awkward naman nito.

Naramdaman kong may humawak sa wrist ko at napalingon ako kay John. Nakatingin siya saakin habang hinihila ung kamay ko para umupo sa kaharap niyang silya. Sumunod naman ako at umupo, sumubo siya ng marami at ninabot saakin ung plato pati kutsara't tinidor.

"Tapos ka na? Ang bilis naman. Kumain ka pa." sabi ko at binalik sa harap niya ung plato. Umiling siya at tinulak ung plato pabalik saakin.

"Sige na konti lang, masarap naman ahh." sabi ko at naglagay ulit ng pagkain sa kutsara para isubo sa kanya. Pagkatapos niyang lumunok, isusubo ko sana sa kanya ung laman ng kutsara pero kinuha niya yon sakin at sinubo ng kusa. Sumandok naman siya ng pagkain habang ngumunguya.

"E-eat." tama ang narinig ko??

Lumunok siya at nilinaw ang sinabi.

"EAT!" pag-uulit niya.

"Ahh, hindi na. Mamaya nalang ako kakain pagkatapos mo."

Umiling siya ng paulit-ulit. "Eat!"

Sige na nga, ang kulet eh.

Kukunin ko na ung kutsara mula sa kamay niya pero nilayo niya, "AHHH" sabi niya.

"Ahhh---" ouch! may balak ba siyang bilaukan ako. Kung makapagsubo eh.

"Ahhhhhh! S-sooorry!" natataranta niyang sabi at kinuha ung baso ng tubig para iabot saakin.

"Okay lang. Sige ikaw nalang kumain, mamaya na ko ahh." sabi ko pagkainom ng tubig.

"So-ry" nauutal niyang bigkas tapos nag patuloy na sa pagkain.

Kumain lang siya, pero hindi siya tumigil sa pagsubo sa akin habang may laman siya sa bibig. This time, mas dahan-dahan siya.

Nang matapos siya, niligpit ko na ung pinakainan niya.

--

"Buhay ka pa! Mabuting sinyales yan. Kamusta ba?" bati ni manang ng makita akong pa baba ng hagdanan.

"Manang? Seryoso po bang may sakit si John? Parang wala naman eh."

"Paano mo naman na sabi?"

"Eh, hindi naman siya makulit eh, oo hindi siya nagsasalita gaano pero hindi naman siya nagsutil. Malayo sa sinabi ni ma'am Anna na makulit daw siya at mahirap pasunorin."

"Eh pano ba naman iha. Umpisa palang yan. Talagang madali sa umpisa subukan mo nayang turuan magbilang at magsulat, tsaka mo nalalaman kung hanggang saan ang pasensya mo." matawa tawang sabi ni manang.

"Sige po manang, ano po bang susunod na ginagawa ni John?"

"Iha, tinatanong pa ba yan? Edi maligo."

Oooh-kay~

So, kailangan pang paliguan si John?

"Hahaha! Nako iha wag kang mag-alala, marunong maligo mag-isa si John, bantayan at alalayan mo lang para di na maulit ung aksidente dati na nadulas siya."

Buti naman. Phew~!

Naligo lang ako saglit at nagbihis ng maayos na maid's uniform. Pagkatapos nun ay dumiretso na ko sa kwarto ni John.

Pagbukas ko ng pinto nakita kong nakaupo na si John sa kama at nakahanda na sa tabi niya ung mga damit niya.

"John ligo ka na." tumayo siya at ngumiti bago pumasok ng cr.

Habang naghihintay inayos ko muna ung mga gamit niya na nakakalat sa sahig.

Habang nagliligpit, may narinig akong kalabog mula sa cr.

"John? John okay ka lang??" Binuksan ko ung pinto ng banyo at nakita siyang nakaupo sa sahig.

"H-hindi ka pa nagsisimula?" suot niya pa kasi ung damit niya.

"Ayaw." umiiling-iling niyang sabi at niyakap ang tahod.

"Uhm.. John, bakit? Takot ka sa tubig?"

"HIN-HINDI!" depensa niya. Okay. okay! Highblood masyado eh.

"Eh anong problema??"

"WALA!" sigaw niya at tumkbo papasok ng shower. Pansin kong parang namumula ung tenga niya dahil nakatalikod siya.

"OUT!" sigaw niya. Kung makapagtaboy naman oh! Hoy nandito po ako para tulungan ka!

Mukhang nagtotopak tong alaga ko ahh. Baka kung ano pa mangyari dito paglumabas ako. "HEY! OUT!"

"Eh promise mo muna sakin di ka maglilikot, baka madulas ka e---John!"

"HAHAHAHAHA!"

Iniwan ko nalang siyang tumatawa dun, naghubad ba naman ng shirt sa harap ko eh glass kasi ang gilid ng shower?!

Bastusing bata!

xxx

Feel free to comment and vote kung nagustohan niyo ung chapter! :)

kitkat

Better than wordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon