The Hug

18 1 0
                                    

"Uhmm. John? Lunch na po." mahigit isang minuto na kong naghihintay dito sa labas ng kwarto niya pero walang parin akong naririnig na tunog mula sa loob.

Ano naman kayang ginagawa nun??

Ala-una na ng tanghali, imposible namang tulog pa yun. Tinanghali na kasi ako nagising dahil parang mabigat ang katawan ko... ano ba naman yan, pangalawang araw ko palang ng pagtatrabaho sinasakitan na ko agad ng katawan?

"John, tutubuan na ko ng ugat dito. Bubuksan ko na ung pinto ahh." binuksan ko na nga ang pinto. Kaya hindi ko siya binubuksan kanina dahil baka magalit siya dahil basta basta nalang akong pumapasok ng walang pahintulot, kahit naman anong mangyari amo ko parin siya...

Pagpasok ko ng kwarto niya, napansin kong nakahiga parin siya sa kama at nakabalot ng comforter ang buo niyang katawan, sa kabilang side siya ng kama naka harap.

Nilapag ko muna ang dala kong pagkain sa maliit na lamesa at lumapit sa kanya. "John, good afternoon. Gising ka na." Tinangal ko ang nakabalot na kumot sa katawan niya at hinimas ang braso niya.

Grabe ang init naman nito. May lagnat ba siya??

Teka bakit nga ba kayo ung tinatanong ko... aish!

"John, ang init mo. May lagnat ka! Sandali lang ahh." tatayo na ako para kumuha ng towel at mainit na tubig para punasan siya pero mabilis niyang hinablot ang kamay ko at hinila ako pahiga sa tabi niya, hindi nako nakapag react dahil bigla nalang bumalot saakin ang mainit niyang braso.

Ang init niya talaga.

O_____O!!!

Kasalanan ko to eh! Naulanan kasi siya--- kame (--___--) kahapon eh.

"John, sandali lang ha, kukuha lang ako ng twalya at mainit na tubig para punasan ka."

Dinilat niya ang mata niya pero halata parin ang panghihina niya. "Babalik ako..." pagkasabi ko nun ay dahan dahan niyang binitawan ang kamay ko at tumango.

Lumabas ako ng kwarto para magpa-init ng tubig at nagluto narin ako ng soup. "Para saan yan iha? May nakahanda ng tangahalian ahh." pagtatanong ni manang ng makita niyang naghahanda ako ng sopas.

"Para kay John po ito. Nilalagnat kasi eh."

"Ganun ba?"

"Opo. Kawawa naman, ang tamlay niya."

"Matamlay?" para namang gulat na gulat si manang sa sinabi ko.

"Opo. Bakit?"

"Hindi ko maintindihan sa batang iyan. Dati kasi tuwing hindi maganda ang pakiramdam niya, susumpingin at tinataboy lahat ng taong lalapit sa kanya. Kaya inaabot ng isang o dalawang linggo bago gumaling mula sa sakit eh.. Pero simula talaga nung dumating ka, biglang nagbago ang ihip ng hangin. Kagaya nalang kahapon, isang malaking himala na sa loob ng isang buong araw, walang akong narinig na reklamo ni John ."

"Ahh, ganun po ba? Madali naman pong pasunorin si John eh. Matanong ko lang po manang gaano na po kayo katagal dito?"

"Ako ang unang katulong ng mag-asawa, kaya wala pang isang taon si John, nandito nako...at sa loob ng 16 years ko dito, maihit sampung katulong na ang dumaan dyan kay John pero sakanilang lahat, ikaw lang nakita kong nakasundo nung binata."

"Buti nga po, awa ng diyos nagkasundo kami nung lalaking yun. Uhm, sige po manang aakyat ko na po 'tong sopas ni John."

--

Pagpasok ko ng kwarto niya, nadatnan ko siyang nakaupo sa maliit na silya at nakaabang sa mismong harap ng pintuan, nakabalot parin ng comforter ang buo niyang katawan.

Better than wordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon