The Speech

20 0 0
                                    

VERY IMPORTANT A.N: Short story lang po ito! Kaya muli akong magfa-fast forward!!

Haha!

Kung ang last chapter 2 yrs ang nakalipas, this one is 3 yrs. Meaning, from 18 yrs old, 21 na si John ;)

Kailangan kasi nating malaman kung paano sila nagumpisa kaya nagstart tayo nuong mga teens pa sila, ang climax ng storyang ito ay naganap nang mag mature na sila.

But I promise that, that would be the last fast-forward na gagawin ko, para hindi na kayo maguguluhan.

Listen to this song: Not Strong Enough by Apocalyptica (again, it is not connected with any parts of this chapter. But it will be used in another chapters soon)

It's a good song!

Haha! Sorry kung mahaba ang AN ^___^v

Enjoy this chapter!

(vote if you think the chapter deserves it)

캄사함니다~!

-- 킽캍 --

Isa na ang pamilya ni John sa mga pinaka successful na pamilya sa buong bansa. Lahat ng tao ay nakikinabang sa mga negosyong meron sila.

Mula sa mga farms, telecommunications, housing projects, at transportation. Lahat na sa mga ito ay may impluwensya ng pamilya nila.

Speaking of negosyo, narito ako ngayon sa isang malaki at malapalasyong lugar. First time kong makapasok ng hotel sa loob dalawang decadang buhay ko!

Actually, hindi naman ako dapat dadalo sa birthday party ni John. Ngayon na din mismo siya i-iintroduce as bagong myembro ng Wellfare Group of Companies. Isa kasi ang mga magulang niya sa grupong ito kaya napabilang din siya sa grupo ngayong nasa tamang edad na siya.

Proud na proud ako sa kanya! Noong limang taon palang ang nakaklipas nang una ko siyang nakita, ang layo na ng nararating niya ngayon!!!

21st birthday niya ngayon. Niyaya niya ko sa partying ito at kung hindi lang siya tinawag ng mama niya para makipaghalobilo sa iba, hindi talaga siya titigil sa kakadaldal saakin.

Napilitan akong sumamasa party na to kaya pink knee-length dress lang ang naisuot ko, ibang iba sa mga sopistikadong mga nakapalibot saakin, mga nagagarbong evening gown na may kumikinang kinang pang alahas na suot. Ako, ang bracelet lang na bigay ni John 3 yrs ago nuong birthday ko ang tanging alahas na suot ko.

Nga pala, matapos ang hindi lalagpas sa sampung segundong halik ni John saakin, himingi siya ng tawad. Hindi niya raw sinasadya. Ganon lang daw ang mga napapanood at nakikita niya sa TV.

Nang sabihin niya yon, nakaramdam ako ng lungkot. Hindi ko inaasahang pagsisisihan niya pala ang ginawa niya...

Pero ganun pa man, binalik ko nalang ang masaya kong ngiti at inisip na bata pa siguro kami para seryosohin ang mga bagay na ganun. At isa pa, bakit naman siya hahanga saakin? Isa lang akong katulong niya, anong kahangahanga doon??

Natahimik ang paligid nang imakyat sa entablado ang papa ni John. Grabe! Ang taas pala talage ng respeto sa pamilya nila, umaakyat palang si Ser natatahimik na ang agad ang paligid.

"Good evening ladies and gentlemen. Before anything else, thank you for making this event possible, for coming and making time to dress your best tonight on this very memorable day for us. Especially to my one and only son. Ladies and gentlemen, the new member of Wellfare Group of Companies, John Daniel."

Nasigabong palakpakan naman ang itinugon ng mga bisita nang tumayo si John mula sa kinauupuan at umakyat ng entablado.

Limibot muna ang mga mata niya bago siya nagspeech.

..speech... Magiispeech siya?!

Teka! Anong sasabihin niya? Hindi naman siya nagpagawa ng speech sakin ahh. Nakooo! Good luck John!

Nang matapat saakin ang mga mga mata niya ngumiti siya ng bahagya. Napaka-confident niya...parang ibang iba sa John na nakilala ko noon na napakakulet at mahiyain. Si John na nakikita ko ngayon ay isa nang ganap na lalaki. Napaka kisig at maginoo..

"Magandang gabi po!" Magalang niyang panimula. "Una po sa lahat nais kong batiin kayong lahat dahil napaka ganda niyo po ngayong gabi. Lahat po kayo maganda, mapasimple man o nagarbo ang inyong suot, napakaganda niyo parin pong tignan." Bolero to!

"Ikinagagalak kong mapabilang sa kompanyang ito dahil naniniwala akong lahat ng tao ay may halaga. Mapabata o matanda, babae o lalaki, normal o may kapansanan, lahat po tayo ay may halaga. Kaya nais kong maiparamdam sa lahat ng tao na mapapakinabangan ng ating kompanya na sila ay mahalaga. Everyone is worthy to be worth-it, and this company, I believe, would be my means to bring this belief into effectivity..." Nagpalakpakan ang lahat sa sinabing ito ni John.

Pati ako ay napalakpak na rin eh. Kung hindi lang pormal na pagdiriwang ito ay baka nagstanding ovation na ko with howling effect pa!

Nang humina ang palakpakan nagsalita muli si John. "I was once this person who can't even talk, or even say a word straight aside from the word mommy. Napakakulet ko, sa sobrang kulet ko lahat nang kuhanin ni mama na yaya para saakin ay sinusukuan ako. But there' this one girl, the youngest maid mom ever got me. At first i thought she was just a playmate. She's small, simple, child-like. But the thing is, she's patient, she's flexible, she understands me. And that made me happy: she knows me. That made me feel special, inspired, and improve. Learning to speak was never hard because she was beside me all along. Never was she distant from me. Always a camera click away.

Ladies in gentlemen, she's at the furthest area of this room. The furthest from me. But I know, she's as close as my heart to me."

And just like that. Lahat ng bisita ay inisa isa abg bawat silok ng room hanggang matapat saakin ang kanilang mga titig. Ilang segundo pa ay lahat sila saakin na nakatingin. (John!!! You're embarasing meeee!)

"A big round of applause ladies and gentlemen." Sabi ni John through the mic.

Ngumiti ang lahat at nagsipalakpakan.

"You dont have to be a professional to help, to make a change, to mark a difference. Sometimes even if your not on stage, even if you are in a room full of people people wearing beautiful dresses and dazling jewelries and you are just on a pink knee-length dress, you could be applauded. Hindi natin kailangan maging pinuno ng isang organisasyon o maging sikat upang makatulong sa iba.

Maraming salamat Monica Chang for making the greatest night of my life possible."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Better than wordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon