The Parents

15 1 0
                                    

Nagising ako nang marinig ang pagbukas ng pinto ng kwarto. "Manang?"

"O Monica, mabuti naman nagising ka na."

"Anong oras na po manang?" pansin ko kasing madilim na sa labas ng bintana.

"Alas onse na ng gabi. Siguradong gutom ka na. Teka sandali lng at dadalhan kita ng pagkain." pagkasabi ni manang nun ay lumabas na rin siya.

Mga ilang minuto rin ay bumalik rin sya na may dala dalang kanin at ang ulam ay adobo.

Hmm! Paborito ko to!

"Si John po?" tanong ko kay manang habang kumakain.

"Pinabalik ko na sa kwarto niya, sigurado tulog na yun. Ayaw pa ngang umalis eh, buti nalang napasunod ko nung sinabi kong hindi ka makakatulog ng komportable kapag kalahati ng kama nasa kanya."

"Haha! Yung batang yun talaga. Hindi na po ba bumalik ung lagnat niya?"

"Hindi na naman. Mukha namang naagapan agad eh."

Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko habang si Manang namanam ay nag tutuklop ng mga bagong laba niyang damit.

"Pasensya na po manang ha. Hindi na po ako nakakatulong sa inyo."

Tumingin saakin si manang at nag salita, "Ano ka ba, wala yon. At isa pa, sanay na ang katawan ko sa trabaho noh? Basta alagaan mo lang si John, masaya na kaming lahat. Espesyal ksi tlga yang si John sa aming lahat, ang gusto lang namin ay maging masaya sya, at pansin kong sayo siya nagiging masaya." habang sinasabi niya yon ay binibigayan niya ko ng kakaibang klaseng tingin. Hindi ko alam kung paano idedescribe, basta hindi ako komportable sa tingin na yan!

"Baka naman po nag kataon lng manang."

"Siguro nga. Siguro nga itinadhana." Sa tono ng pagkakasabi niya non, isama mo pa ung ngiti at tingin na binigay niya saakin....mukhang alam niyo na kung anong ibig niyang sabihin.

"Manang naman..."

"Aba bakit iha? Isipin mong maigi, maganda ka, gwapo at may hitsura si John. Pinapasaya mo sya, at masaya siya sayo. Alam mo bang kung titignan kayo kanina habang nakayakap siya sayo, para na kayong magkasintahan, alalang alala siya sayo at ayaw ka niyang bitawan---"

"Opo manang gets ko na ang gusto niong iparating, pero kung iisipin din po natin, isip bata si John, inosente yun kaya malayo po yang sinasabi nio."

"Anong malayo? Na gusto ka niya kaya kaniya hindi maiwan iwan kanina, kaya hinahanap hanap ka niya? Iha, sayo lang naging ganyan si john, kahit nga sa nanay niya hindi yun ganun eh, ano pa bang ibig sabihin nun? Edi gusto ka nya."

Hay nako etong si manang kung ano anong sinasabi... "Antok lang po yan manang. Sige na po gabi na, magpahinga na po kyo." tumayo na ko mula sa kama at dumeretso sa kusina para hugasan ang mga pinagkainan ko.

Pagkatpos kong gawin yon ay sumilip muna ako sa kwarto ni John para i-check siya. Natutulog na sya ng mahimbing, tanging lampshade lang sa magkabilang gilid ng kama niya ang nagsisilbing liwanag.

Bumalik na ako sa kwarto namin ni manang at natulog narin.

--

"HEEEECHU!!!!"

Ano ba yun?!! Para namang may sumabog na tangke ng gasolina!

Minulat ko unti unti ang mga mata ako na datnan ko si manang na sumisinga sa tissue,

Pagtingin ko naman sa tabi ko nakita si John na nakalagay ang hintuturo sa labi (yung para bang sinasabihan niya si manang na tumahimik).

"Gising na iho." sabi ni manang sapagitan ng kanyang pagsinga.

Better than wordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon