This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Copyright © 2014 by Ashfia Sander
"Da Howl and Da Fussy-Cat went to sea! " Mag-isa ako dito sa may swing sa playground ng biglang may narinig akong isang bata na nagpapractice ata ng poem.
Eh? Mali naman yung bigkas nya eh.
Nilapitan ko yung batang babae na nakasuot ng headband ng pusa.
"Oi bata anong ginagawa mo dyan? "napahinto siya sa pagpoproject at napatingin sakin.
"Di mo ba nakikita? Nagpapractice ako ng poem namin! Galing ko no? " pagmamalaki pa niya.
"Eh? Hindi kaya! Mali naman yung pronunciation mo eh! "
"Anung pronouncion? tama na naman ah! " pumameywang pa siya at pinnagpilitan na tama siya.
"Pronunciation! hindi "Pronouncion"!!"
"Ay! parehas lang yun! Dun ka na magpapractice pa ako! Da Howl and Da Fussy-Cat went to sea! "
"Mali nga! Ganito dapat "The Owl and The Pussy-Cat went to sea, In a beautiful pea-green boat,"" bigla siyang napatigil nang makita ang ginawa ko.
"Hmmm? Ganun ba talaga yun? Tulungan mo ko! "
"Si-sigurado ka? " ah-teka b-bakit-
"Oo naman! bakit naman hindi? " tanong niya.
"Eh-kasi—"
"Ay wala nang kasi kasi, tutulungan mo ba ako o hindi? "
"Eto na nga, tutulungan na kita. "
Ayun tinuruan ko sya dun sa poem nya. Ang hirap nya turuan T__T
"You are,
You are!
What a beautipul Fussy you are!"
"Mali! Dapat ganito:
You are,
You are!
What a beautiful Pussy you are!"
"Hay! Nagugutom na ako, bukas na lang natin ituloy! " pagrereklamo niya. Kakaunti pa nga lang 'yung napapractice namin eh.
"Bu-bukas? "
"Oo! alam mo kanina ka pa. Ayaw mo ba akong maging kaibigan? "
"A-ah hi-hindi naman sa-sa ganon. Actually gu-gusto ko nga eh. "
"Yun naman pala eh! Bakit parang kanina ka pa nag-aalangan dyan? nauutal ka pa nga dyan eh"
"I-if ever kasi, ikaw yung unang friend ko. "
BINABASA MO ANG
Da Howl and Da Fussy Cat
HumorThe Owl met Pussy Cat. She's cute. She's kind. She made him Happy. He Idolized her determination. She's an inspiration for him. She made his heart beat faster. But Accidentally, The Owl fell inlove with the Pussy Cat. And even Pussy Cat have fur an...