-Toffee's POV-
Mavy? Tinawag syang Mavy ng Mama nya? Di kaya..
"Ui Toffee baby! Ok ka lang? Kanina ka pa tulala dyan. Sabi ko sayo baba na tayo eh. " sabi nitong si pepechu. Hindi ko napansin na napatulala ako sa narinig ko.
"Ah-Oo ok lang ako Girl. Lika baba na tayo. " iiihhh! Goosebumps. Sya na nga ba yun? Bawat hakbang ko pababa ay parang sabay namang kumakabog yung dibdib ko. Pagbaba namin ay agad na bumungad samin ang nakangiting Mama ni, ni Mavy? Nung makita ko ang Mama nya ang cumonfirm na si Saddie nga ang kababata na matagal ko nang hinahanap. Naalala ko pa rin na ang mama nya ay putol ang isang binti. Kaya din siguro na lumaki tong si Saddie na hindi bumebase sa mga feslak at appearance ng tao. Wa yan pakels kung chararat ka o hindi. Kaya din ako naengganyo na tumulong sa mga Person with disabilities dahil sa kanila.
Nakita ko rin ang mga pictures ni Saddie nung bata sya na nakapost sa may living room nila na may mga nakasabit pang medals. Ikaw na nga Girl! Plangak na plangak! Pasok sa banga! Akalain mo nga naman! Buti na lang at nacorrect na ang diction ni Girlalu.
May isa lang akong problema. Pano ko sasabihin sa kanya na ako yung kababata nya? Hindi ko alam kung magagalit sya dahil ngayon ko lang sya hinanap, or lalo nya pa akong pagnanasahan! Oh my! nanganganib lalo ang buhay ko! Alam ko naman na wala sa kanya kung bakla ako.Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Kundi dahil sa kanya, wala sanang Toffee na makapal pa sa takong ng killer heels ang pagmumukha. Kaso--bakla nga lang.
Oh sige na! Fine! Sasabihin ko na ang isa ko pang secret. Simula nung naging bakla ako, isa lang talaga ang pinangako sa sarili ko. Hinding hindi ko isasara ang puso ko sa isang babae lang. Sa babae na tumanggap sa akin simula pa nung una. Nyerbaliski na kung nyerbaliski. Eh hindi ko naman alam na ganito kami ulit magmi-meet.
Pero ang iniisip ko lang ay yung mararamdaman ni pepechu. Nakakanyerbaliski na naman kung iisipin ay concern din ako na baka masaktan ko sya sa mga desisyon ko. Mukha kasing malabo na yung pangako ko sa kanya dati.
"Oh kumain lang kayo dyan ah pupunta akong carinderia. " sabi nung mudra ni Mavy na nagreready na gumora.
"Ah Madir! Mag-isa lang po kayo gogora? " tanong ko.
"Ano yung go-? gogora? "
"Ah Ma, kung mag-isa lang daw kayong aalis. "
"Ahhh. Hehe. Oo Hijo-- este Hija, ay Mavy ano nga ulit ang pangalan nya? "
""Toffee po Ma. "
"Ah Toffee. Oo mag-isa lang ako pupunta. Malapit lang naman dito yun eh. Tsaka may makakatulong naman ako. "
"Kumain muna po kayo bago umalis. " sabi ko. Hay kailangan pala formal words muna gamiting ko. Hindi maiintindihan ni Tita.
"Salamat pero kumain na ako kanina eh. Pagpasensyahan mo na at yan lang naihanda namin para sayo ah. "
"Naku wala po yun Mudra. Epek na yang mga foods! "
"Oh sige mauna na ako ah. "
"Sige po. Take care cause we care Madir. "
"Ma, sunod na lang po ako dun mamaya. Aasikasuhin ko lang to asaw-- este kaibigan ko pala. " sabi Mavy. Hay nako Tita. Parang ayaw ko nang umalis ka ah. Yung anak mo kasi eh.
Ayun umalis na si Madir.
"Oh kumain ka na. Maayos ba yung tulog mo? Pasensya ka na ah. Siguro hindi man ganito kalaki ang bahay nyo at hindi kasing laki ng kwarto mo yung kwarto ko. " sabi ni pepechu habang hinahain nya yung plato at kutsara ko. Sh*t this headache sucks!
BINABASA MO ANG
Da Howl and Da Fussy Cat
HumorThe Owl met Pussy Cat. She's cute. She's kind. She made him Happy. He Idolized her determination. She's an inspiration for him. She made his heart beat faster. But Accidentally, The Owl fell inlove with the Pussy Cat. And even Pussy Cat have fur an...