Chapter 7: Fussy Cat bids Goodbye

186 8 2
                                    

"What?! Nasan daw sya? May sasabihin kasi ako. "

Sila Airis, at Allue ay hindi makasagot at nakakatulala lang sa biglaang pagdating ni Toffee. Kanina pa kasi nito hinahanap si Saddie, at hindi nila masabi na kasama sya ni Westley para sa preparations ng Engagement party. Nag-aalinlangan silang sumagot dahil kabilin-bilinan ni Saddie na sya daw ang magsasabi kay Toffee ng lahat.

"Hello? May kausap ba ako? "

"Ah, may-may--" hindi maituloy ni Airis ang sinasabi dahil nag-iisip pa ng idadahilan kay Toffee.

"May ano? " -Toffee

"May pupuntahan daw sya. Hindi naman nasabi kung saan sya pupunta. Bakit? Ano ba yung sasabihin mo? Kami na lang ang magsasabi. " pagtutuloy ni Allue.

"Ah hindi na. Ako na lang ang magsasabi bukas. Babush! Going going na aketch. "

**

"Isukat mo na! " sigaw ni Westley dahil ayaw isukat ni Saddie yung mga pagpipiliang dress na isusuot nya sa Engagement.

"Ayoko nga! Kita balikat ko dyan! "

"Ano bang gusto mo? Balot na balot ka? Hoy Engagement Party yun hindi ka papasok ng kumbento. "

"Mas gusto ko yung sinusukat mo kanina! Mas komportable. "

"Vopols ka. Suit yun! That's for Men! Hindi yun pwede sayo. Magtiis ka na lang sa ganyan. May term yung mga babae dyan eh. Hmm, Ah! "Tiis Ganda! " "

"Hindi ako babae! "

"Babae ka!"

"Hindi! "

"Babae!"

"Hindi! "

"O sige kundi ka babae, patingin nga! " sabi ni Westley sabay nguso paturo sa may zipper nya.

"Siraulo! Miss akin na nga yan ng maisukat na. Bwisit tong lalaking to! Manyak! "

At isa-isa namang sinukat ni Saddie yung mga dress na pinili ni Westley para sa kanya. Si Westley naman ay nakaupo lang sa couch katapat ng dressing room at hinihintay ang paglabas ni Saddie.

"Bwisit ang kati-kati nitong mga damit na to! Hoy ano na? Baka pwede na to?! "

"Hmm. Hindi bagay. Sukat mo yung isa. "

"Ano ba?! Bakit ang dami mong alam sa ganito? Bakla ka siguro no? Tapos nagpapanggap ka lang na babaero. "

"Oo bakla ako. Kuntento ka na? Balik dun! Isukat mo na! "

Nakasimangot na bumalik si Saddie sa loob ng dressing room dahil bagot na bagot nang magsukat ng damit. Isinukat naman nya ang huling dress na nandun.

"Oh eto? Huli na to Westley. "

"Yan! Ok na. Siguro dapat maayos yang posture mo. Lagi ka kasing nakahukot. Dadalhin kita kay Lucy."

"Anak ng tokwa! Dapat pala ito na lang yung una kong sinukat! Bakit ba kasi kailangan nating gawin tong mga to?! "

"Kasi, ikakasal ka sakin. "

"Tapos? "

"Yun na yun! "

Nagpalit na ng damit si Saddie at nagmadaling lumabas ng dressing room.

"Di nga Westley? Bakit marami kang alam kung paano mag-ayos ang mga babae? "

"Di ba nga sinabi mo bakla ako? "

"Ehe bakit nga? "

"Kita mo to. Ngayon ayaw mo naman maniwala. "

"Bakla ka talaga? "

Da Howl and Da Fussy CatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon