Chapter 1: An Owl instead of Fishball

359 12 4
                                    



-Toffee's POV-

Good Morning Philippines! Good Morning World!


What a beautiful day to---


"Toffee baby!" sigaw na naman nung isang creature sa labas. Panira ng momentum! Binabawi ko na! Hindi beautiful ang day ko ngayon!


"Oh Christopher! Andyan na dalaw mo! " support pa netong mga super duper Mega Epal na mongieloid martians na bestfriend ng isa pang martian na nagngangalang Allue na bestfriend din nung maingay na linta dun sa labas.


Wait! Medyo hiningal ako dun.


Anyways..


Ano na naman ang ginagawa ng blood sucking creature na yan dito?! Oh my! Nakakasira talaga sya ng eyesight! Nakakadrain pa ng dugo ang pagkalinta nya!


I'll kill kung sino mang nilalang ang nagbigay ng schedule namin dito sa babaeng to! I swear! Grave! Ang layo ng room nilang mga architecture students pero nakukuha nya pa pumunta dito! Mukhang nanganganib ang beauty ko sa babaeng itech!


Siguro itong mga mongieloids na martian na to ang nagbigay ng sched namin. Bakit ko pa ba kasi naging classmate sa Civil Engineering tong mga to!


Oh come on! This is a Disaster!


"Toffee! sabay tayo maglunch!" with matching habulan na kami ngayon sa hallway! Hay! Kailangan ko nang magpractice maglakad ng mabilis. Go Toffee! Ipaglaban ang buhay na mapayapa!


Pero bago pa man makalapit itong babaitang to sakin ay biglang,



Ay! Ang airplane! Naglanding! Pero infairness! At least kahit nadapa ang g*ga naabutan nya ako. Nadapa nga lang sya sa harap ko.


Kawawa naman tong babaeng to! Matulungan na ngang tumayo.


Ayun pagkatayo nya, pinagpag lang nya yung skirt nya at humarap sakin.


"Ok ka lang ba? " tanong ko. Aba! Malay ko ba kung ano na nangyayari sa babaeng to! Nakatulaley na lang sa akin!


"Kyaaaaaahhh! Waaaaaahhh! " Hala? Anyare? Nagtitili na lang ang gaga.


"Teh? Anyare? "


"Wala nikikilig ako! Waaahh! " at nagpapadyak pa. Yan tuloy pinagtitinginan kami. Eksena kasi tong linta na to.


"Hoy acheng! Stop na! Mukha ka nang timang dyan. At isa pa, hindi airport tong hallway paglandingan mo! "


"Ok lang. " sabi nya.


"Ha? "

Da Howl and Da Fussy CatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon