Last Chapter: Run For Your Life Howl!

220 10 9
  • Dedicated kay The Man Whom She called "Mac"
                                    

Last Chapter: Run For Your Life Howl!

"Young Lady, it's time. We need to prepare for your Engagement Party. " gising ng assistant kay Saddie. Nag-check in sila ng nanay nya sa Hotel kung saan gaganapin ang Party. Iyon kasi ang sabi ni Westley para hindi na sila mahirapan.

"Good Morning po. " bati nya sa assistant.

"Good Morning Young Lady! We will go back at 9am para makakain kayo ng breakfast nyo. Cheer Up! Today is a good day for an Engagement Party! "

"Sige po Salamat. Ah si Mama po? "

"Nasa kabilang Room po. Connecting Rooms naman po ito Young Lady, kaya di nyo na kailangang lumabas para makapunta sa kabila. You can use that door. Sige po mauna na kami. See you Later! "

Tumayo sya kaagad sa kinahihigaan para puntahan ang Mama nya.Pagkabukas nya ng Connecting Door ay naabutan lang nyang nakaupo ito sa may kama. Nang makita sya nito ay bigla nitong pinunasan ang mga luha. Mukhang naiintindihan na nya ang nararamdaman ng Mama nya kaya't lumapit sya dito para yakapin.

"Ma! Engagement pa lang to! Magtira ka pa sa kasal! " sabi ni Saddie na ngingilid pa ang luha.

"Halika nga at umupo dito sa tabi ko." aya ng Mama nya at sinunod naman nya ito.

"Ang anak ko dalaga na. Dati patula-tula lang, ngayon i-eengage na. Pero anak, sigurado ka na ba dito? Alam--" pinutol na ni Saddie ang pagsasalita ng nanay nya dahil alam na nya kung ano ang patutunguhan ng usapan.

"Ma, andito na tayo. Sure na yan! "

"Talaga? Pero paano na si Howl mo? " bigla naman syang natigilan. Para bang sa pagbanggit ng Mama nya sa pangalang iyon ay para ding syang pinukulan ng bato sa ulo at pinapahiwatig na hindi talaga ito ang nais ng kanyang puso.

"Mama naman eh. " wala na syang ibang nasagot dahil alam nyang totoo ang nais ipaintindi ng nanay nya.

"Anong Mama naman eh?! Oras na pumasok ka sa engagement na ito, hindi ka na makakatakas. Hoy Saddie Mavis Jarlo! Nanay mo ako! Kilala kita mula ulo hanggang paa! Kahit hindi ko alam kung ano man yang nagtutulak sayo para pakasalan si Westley, alam ko namang hindi pagmamahal ang dahilan! Anak hindi ito laro na pwede ka na lang sumuko pag-ayaw mo na. Dito hindi ka pwedeng mag-time first, at magquit. Kaya hangga't may panahon ka pa, mag-isip ka muna. "

**

"Christopher Mack Mendez! Ang aga-aga! Saan ka pupunta?! " tanong nanay ni Toffee na maaga ding nagising at naabutan ang pagtakas nya.

"Ma, di ba ngayon yung Fun Run? TPSTP pa nga yung Title nung event eh. " paliwanag ni Toffee.

"TPSTP? Hmm Kung sa bagay madaling araw nga naman karaniwan ang mga Fun Run. Sige! Ingat! "

"Waaahhh! I Love You na Mother Earth! Mwah! Mwah! Babush!" agad namang tumakbo paalis si Toffee.

"Teka anak! Anong ibig sabihin ng TPSTP?! " sigaw ng Mama nya na humabol pa sa labas.

"Ite-text ko na lang sayo Mother Earth! Nagmamadali na ako! " sabi ni Toffee sabay pasok sa kotse.

Ilang minuto pa ang nakakaraan ay nakareceived na ng message ang nanay nya at agad itong binasa.

"Ow! Hahahahaha! TPSTP? Goodluck Anak! "

**

"Westley! So today is the day? " tanong ng Mommy ni Westley. Si Westley naman ay naka-upo lang sa kama at kagigising lang. Inabangan talaga siya ng mga magulang nyang magising upang kausapin.

Da Howl and Da Fussy CatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon