Pag-ibig

9 1 0
                                    

Ang ABKD ng Pag-ibig

Pagiintindi

Ang pagibig ay isang napakalaking sugal.
Na kung ikaw ay di pa handa, maaring ikaw ay magimbal.
Buksan ng buong buo ang puso at isipan mo.
Kung hindi, maaaring ikaw sa huli ay manlumo.

Kaibigan kita, alam mo naman siguro yon.
Di ko na kailangan ipaintindi pa, ang mga katagang ganon.
Dapat ba, ang kaibigan ay kaibigan lang hanggang sa huli?
Yan ang lagi mong tanong, na ang sagot ko ay oo,ewan, pwede at hindi.

Ewan ko ba, hindi ko hawak ang nararamdaman mo.
Pero ang gusto ko lamang  ay ipaintindi ang mga ito sayo.
Gayun paman ay kaibigan parin kita.
Kahit ang turing mo sakin ay siguradong higit pa sa isa.

Hindi naman kita nais masaktan.
Damdamin ko sanay maintindihan mo rin naman.
Ibinigay mo ang lahat ng nais mo saakin.
Pero sana, alam mo ang relasyong namamagitan lang satin.

Lubos akong nagpapasalamat na minahal mo ko.
Kaibigan man o higit pa sa kung ano.
Mahal din kita, alam kong alam mo ito.
Pero hindi sa pagmamahal na kaparehas ng ipinapakita mo.

Naiintindihan ko kung gusto mong lumayo.
Hindi kita masisisi kung nasaktan ko ang damdamin mo.
Ngayon, pagkakaibigan lang ang maibibigay ko sayo.
Pero ang tanong, ako pa ba'y gustong maging kaibigan mo?

O sana naman ay walang magbago.
Pero iyon ang hindi natin masisigurado.
Para san pa ba na ako'y naging kaibigan mo?
Kung sa ganitong sitwasiyon, ako'y magpapatalo?

Ramdam ko ang takot at iyong kaba.
Sa pag-amin mong alam ko'y sobrang hirap na.
Sa pagkakaibigan natin ay walang pwedeng tumibag.
Kahit sa ganitong sitwasyon, wala satin ang dapat titibag.

Tayong dalawa ay mas malakas pag pinagsama.
Ganyan kung tayo ay nakilala nila.
Unti unti tayo ay magkakaayos.
Para ang matagal na relasyon natin ay di matapos.

Wag tayong papaapekto sa kahit anong pagsubok.
Ilang taong pagsasama natin ay wag sanang maging alikabok.
Yaon ito, ay ating pagtibayin.
Wag hayaang,maling pag-ibig ang sumira satin.

Written by: jayelee

POEMSWhere stories live. Discover now