Sabi nila ang kasal ang pinaka masayang araw sa buhay natin, pero bakit ako? Bakit ako hindi masaya habang bumubukas ang pintuan ng simbahan para pumasok ako sa loob dahil ikakasal na ako ngayong araw hindi ko magawang maging masaya.
Bakit pag bungad ko palang sa napaka gandang kasalan na kahit sinong babae ay pinapangarap na mala prinsesang kasalan ay kirot ng puso ang naramdaman ko. Mas lalong kumirot ito ng makita ko ang lalakeng minahal ko 'noon hangang ngayon' na malungkot ang mababasa mo sa kanyang mga mata niya.
Tila bumagal ang oras at lahat ng tao sa loob ay nakatingin sakin hindi nila nakikita ang nakikita ko ngayon sa harapan ko, sa harapan ko na lumuluha ang mahal ko kahit nakataklob ang belo sa muka ko. Klarong klaro sakin ang mga luhang umaagos sa kanyang mga mata.
Siguro kung makikita nila ito ay iisipin lang nilang masaya ito na ikakasal kami pero sakin iba ang nasa isip ko 'Nasasaktan siya dahil ako ang papakasalan niya ngayong araw na ito', mas lalong kumirot puso ko dahil sa nakikita ko.
Mahal ko siya hindi ba? kaya ko bang makita ang taong mahal ko na nasasaktan ng dahil sakin? kaya ko bang ikasal sakanya ng ganito?
Ganitong naluha siya habang papalapit ako?
Sa bawa't tapak ng paa ko papasok ay pakiramdam ko ang bagal ng lahat maski ang tugtog ng musika pang kasal.
"Fuck! What are you doing inside my room?!" -galit niyang boses ang narinig ko pag bukas palang ng mga mata ko kahit masakit katawan ko tumulo nalang luha ko habang nag bibihis at siya naman napahilamos lang ng muka.
Iniwan niya ako sa condo niya na naiyak. Bakit nga ba ako nandito sa kwarto niya? Kasi mahal ko siya at nakikitang nagdudusa siya kaya ng hinalikan niya ako at nag makaawa siya na wag ko siyang iwan ay pinaubaya ko sarili ko?
Ang tanga ko hindi ba? Ang tanga ko dahil sa matalik ko pang kaibigan ako nag kagusto na alam ko naman na mahal pa din niya si Lea ang babaeng paulit ulit siyang iwan at sinaktan.
Ang babaeng pinag palit siya sa iba at sa trabaho. Ang babaeng matalik kong kaibigan na ako mismo ang nag bigay daan para sa pag mamahalan nila. Na kahit mahal ko siya mula noon ay ako pa naging daan para maging sila ni Lea.
Sa twing my hindi pag kakaunawaan ang aking dalawang bestfriend ay nagiging tulay ako para maging sila kahit wasak na wasak na puso ko dahil mahal ko siya at mahalaga sakin ang pag kakaibigan namin tattlo.
Napaka sinungaling ko kung sasabihin kong hindi ako naiinggit kay Lea pero sinasabi ko nalang sa sarili ko na 'Makakahanap ako ng tamang tao sakin at ayokong masira pag kakaibigan namin' yan paulit ulit ko sinasabi sa sarili ko.
Pero mukang masisira lahat dahil my nangyari saming dalawa kahit alam ko na hindi niya ako mahal at hinahabol habol pa din niya si Lea na ilang bwuan na silang magkahiwalay dahil iniwan nanaman siya nito.
Kaya nga eto nangyari nasa iisang kama kami ng magising siya at napakalaking tanga ko na sumabog damdamin ko sakanya at nasabi ko pang mahal ko siya kaya galit na galit siya sakin ngayon.
Nanginginig na hinakbang ko ulit ang isa ko pang paa papunta sakanya ang bagal talaga ng oras at rinig ng tibok ng puso ko ang naririnig ko at hindi ang tunog sa kasal namin nasasaktan ako lalo na pag nakikita ko ang naluha niyang mga mata.
Mahal ko siya hindi ba? Dapat masaya ako na ikakasal ako sa kanya pero bakit nasasaktan ako?
Kung mahal ko siya ano ba dapat kong gawin? Palayain siya o ang makasama siya? Parehas namang masakit kahit anong piliin ko hindi ba?
"Sabi na! Mahal mo ako at yan ikakasal tayo bakit?! KINAUSAP MO SILA PARA MAKASAL AKO SAYO AT KUNYARI DAHIL SA BUSINESS!!! BESTFRIEND MO KAMI! AT ALAM MO HINAHABOL KO PA DIN SI LEA!" -gigil niyang hawak mga braso ko at natulo ang mga luha ko dahil hindi lang sa sakit ng hawak niya kung hindi sa sakit ng mga salitang binitawan niya sakin.
BINABASA MO ANG
Secrete Revealed
Mystery / Thriller©SecretRevealed41217 Ongoing A story of a one sided love, sacrifice and others debt that she is paying that make her drown for so much problem. Para malaman ang buong story, basahin niyo nalang and hope you like it. P.S: This is a taglish story