Rian Pov
Nakatanaw lang ako sakanya habang naiyak sa totoong puntod ni Lea, noon kasi hindi sila pinahintulutan ni lolo kaya gumawa siya ng pekeng puntod na nag lalaman ng hindi tunay na pangalan ni Lea.
Pero ngayon alam niya na ang totoo sympre pupuntahan niya ang totoong puntod nito kung asan nandun ang tunay nitong pangalan.
"Aalis na po ba tayo Ma'am?" -tanong sakin ni manong driver.
Nag taxi lang kasi ako para silipin lang sana siya pero hindi na ako bumaba dail mukang iniiyakan niya lang ito at maayos pa ang ugali niya.
"Opo manong dun tayo sa Real estate" -sabi ko nalang na agad kong naramdaman ang pag andar ng sasakyan ko.
Gustong gusto ko nang puntahan ang mga anak ko at makatulog ng mahimbing, pero hindi pa pwede dahil my aasikasuhin pa akong problema.
Bakasyon ngayon at wala sanang stress gaya ng sabi ni Tyler pero hanggang bakasayon at oras ko para sa mga anak ko ay hindi ko magawa dahil hanggang ngayon hinabol habol ako ng mga problema.
Napapikit ako dahil sa naisip ko, hinilot ko pa ang sentido ko para mawala ang kirot nito.
Naramdaman kong my naalog sakin kaya napamulat ako ng mata hindi ko namalayan nakatulog na pala ako habang nasa byahe.
"Ma'am andito na po tayo" -sabi nito sakin kaya napahawak ako sa ulo ko pero agad din nag pasalamat at binayaran yung driver.
Bumungad sakin ang malamig na simoy ng hangin ng madaling araw, lumaghap ako ng hangin bago dumilat at pumasok sa loob ng isang bar.
Nakita ko na nag liligpit na ang ilang tao dito pero ang ilan binabati ako dahil kilala din naman nila ako
minsan kasi napunta ako dito sa pinas pag my emergency na nagyari.
Iniiwan ko lang sila Tyler sa bahay kasama ng mga katulong pero uuwi din naman ako agad, alam ko hasel sakin yun pero anong magagawa ko? Kailangan kong gawin kahit ayoko.
Noon nga iniiwan ko mga anak ko ng napatulog ko na sila bago naalis kaya wala talaga akong tulog maliban sa byahe na nakakatulog ako kahit konti. Ayoko din na isipin ng mga anak ko na pinipili ko ang trabaho kaysa sakanila.
Ayokong iparamdam sakanila na iiwan ko sila dahil sa iba, gusto ko iparamdam sakanila na sila pinipili ko dahil sa kaloob looban ko sila talaga ang gusto kong inuuna sa lahat.
"Ma'am" -sulpot naman ng isang babae na nag trabaho dito.
Pilit kong inalis muna sa isip ko ang ibang bagay, ito muna ang pag tutuunan ko ng pansin dahil pag halo halo iniisip ko at dahil sa sobrang dami kong problema lalo lang nasakit ulo ko.
"Asan siya?" -tanong ko dito at mukang alam naman niya pinunta ko dito.
"This way po ma'am" -magalang nitong sabi at ginayak ako sa lugar kung asan siya.
Ng makita ko ang counter kung asan siya nainom kahit bagsak na at nakapikit ay pilit pa ding tunggain ito. Sinenyasan ko yung kasama ko na umalis na at agad naman umalis ito.
BINABASA MO ANG
Secrete Revealed
Mystery / Thriller©SecretRevealed41217 Ongoing A story of a one sided love, sacrifice and others debt that she is paying that make her drown for so much problem. Para malaman ang buong story, basahin niyo nalang and hope you like it. P.S: This is a taglish story