00.01

10 0 0
                                    


Hanggang ngayon apektado pa din siya kay Lea, oo siya ang ex ni Lea ang minahal ni Lea. Nag kakilala kami nung panahong parehas kaming sawi nakakatawa lang sa park kami nag kita todo emote kami tapos mag katapat lang ang inuupuan namin.

Pinag titinginan nga kami ng ilang tao doon akala siguro nagawa kami ng teleserye.


"Hanggang ngayon mahal mo pa din siya alam mo bang mahal na mahal ka nun" -nakangiti kong sabi dito at niyakap ko siya para maramdaman niya my masasandalan siya.


"Ang tanga ko kung alam ko lang mamamatay siya sana hindi ko inuna ang init ng ulo at pinakinggan siya" -hinagod ko lang likod nito habang nag dradrama siya.


Ang ginagawa namin ni Ranz kaya kami mag papakasal ay ang dream niya na gawin ni Lea kaso ako lang naiisip niyang pwede at close niya na gagawa nun. Wala namang kaso sakin yun sa daming natulong ni Ranz sakin dun pa ba ako hihindi.

Kaya gagawin ko lahat para kay Ranz ngayon sa kahit anong bagay pa man basta matulungan siya.


"Sana kung matapos natin lahat gumawa kana ng hakbang para pakawalan na siya sa puso mo dahil mahihirapan ka lang ilang taon na siyang wala Ranz" -ramdam kong humigpit yakap niya sakin.


"Mahal na mahal ko siya sobrang mahal na mahal" -hagulgol na sabi nito sakin.


"Mahal na mahal ka din niya at hindi niya gugustuhin ang nakikita niyang nahihirapan ang mahal niya.. ikaw ang mahal niya" -sabi ko dito at hinarap sakin habang pinupunasan luha niya.


Bakit lagi nalang ganito role ko? Taga pagaan ng pakiramdan ng mga tao sa paligid ko. Sasabihin mahal ka nun, suyuin mo kasi at kung ano ano pang sinasabi ko dito. Para maging ok sila pero sarili ko hindi ko manlang ... haist! Ano ba naman Rian matagal nang wala yun eh!

Niyaya ko siyang matulog hinayaan ko nalang sa tabi ko ganyan yang si Ranz simula noon, simula ng na troma siya sa pag kawala ni Lea at ako lang nakakapag kalma sakanya kaya halos dito na tumira ang lalakeng yan.

Wala kaming feelings in romantic way pero para kaming my relation pero para samin close talaga kami sobra at ewan hindi kami na fall sa isa't isa parang matalik na kaibigan lang hindi gaya sa nangyari samin ni Tyron.

'Hulog na hulog ako'

.

.

.

.


Secrete RevealedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon