01

9 1 0
                                    

Pinaypay ko ang kamay ko ng makababa kami sa sasakyan, iba talaga ang init dito pag summer sa pinas. Tiningnan ko yung dalawa na naka shades habang si Ranz ginulo buhok nito, pinunasan ko naman mga pawis nila hindi kasi sila sanay sa clima dito.


"Dito gaganapin ang kasal natin" -nakangiting sabi ni Ranz pero agad din napa ngiwi ng kinurot siya sa magkabilang kamay ng kambal.


"We told you, you can't marry our Mom!" -sabay na sabi ng dalawa kahit nakakaintindi ng tagalog ang dalawang yan ayaw nila nag tatagalog hindi sa nabubulol o nakakagat nila dila nila sadyang ayaw lang talaga ng dalawang yan hindi ko alam trip ng mga yan basta natuturuan ko sila ng tama.


"And I told you everything was settled already whether you like it or not" -naka smirk nitong sabi at mag sasalita sana ang dalawa ng mabilis akong inakbayan ni Ranz at hinila palayo.


"Oy mga anak ko yun iiwan mo sira ka ba" -pag palo ko kamay nito pero hindi lang niya ako pinansin at naramdaman ko nalang my humihila sakin kay Ranz.


"Mom run away to your wedding!" -inis na sabi ni Tyler habang masasama ang tingin nito kay Ranz na tinatawanan lang sila.


Sa totoo lang nakaka hakot na kami ng mga tao sa paligid at halos hindi ako makapag salita sa sinabi ni Tyler biglang pumasok sa isip ko ang ala alang tumakbo ako ng ikakasal na ako sana.


"Hah! I knew it! since then you! you! arrggg!.. I knew you have something to our Mom!" -tinuro turo pa ni Tanner si Ranz kaya pinatigil ko na sila dahil sa daming tao na nandito na pinapanood kami.


Nasa my beach kami at napaka ganda dito, dito gustong gawin ni Ranz ang kasal namin at naka gown pa din naman kami my simbahan din dito kaya walang problema. Nag tatalo pa din sila habang papasok kami sa loob ng hotel.

Bigla akong napahawak sa balikat ko ng papasok na ako sa elevator iniwan ako ng tattlo dahil nag babangayan sila buti nalang alam ko kung anong room no. kami.


"Rian.." -halos kapusin ako ng hininga sa loob ng elevator na ito ng mag salita siya habang pasara na ang pinto.


Nakita ko reflection naming dalawa, kaming dalawa lang pala sa loob nito kung minamalas nga naman sa dinami dami ng lugar at panahon bakit ngayon pa!?

Ang golden brown niyang buhok at mala grey nitong mga mata na parang tagusan kung tumingin sakin kaya kinilabutan ako dahil doon at nabitawan ko pag hawak sa balikat ko.


"T-tyron.." -mahina kong banggit sa pangalan nito.


Napaatras ako ng dahil doon katabi ko lang pala siyang hindi ko man lang nalaman.


"Na miss kita Rian" -halos kilabutan ako ng niyakap niya ako at sinabihan ng ganung salita kaya agad ko siyang naitulak.


"A-anong ginagawa mo dito?" -kinakabahang kong sabi dito, bakit ang bagal ng andar ng elevator na ito! nananadya pa ang panahon!? Teka bakit kinakabahan ako?


"Kami my ari nito hindi mo ba alam iyon bago ka nag checkin dito ay makikita mo logo ng family?" -sabi niya sakin kaya napatingin ako sa my logo ng elevator at halos takasan ako ng kulay sa muka ko.

Secrete RevealedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon