06

21 1 0
                                    


Rian Pov


"Asan siya?" -pag ulit kong tanong dito ng mahimasmasan siya.


"Baka andun siya sa puntod ni Lea" -naiiyak na sabi nito at niyakap nanaman ako ulit.


Pinaiyak ko muna siya sa aking balikat at inutusan yung secretary na kuhanan kami ng tubig na agad naman ginawa nito. Pinaupo ko siya sa upuan at pinupunasan niya ang luha niya habang nainom ng tubig.

Ngayon ko lang naalala ang pekeng puntod ni Lea, kasi nung namatay siya ay kinuha ni lolo ang bangkay nito at nilibing sa puntod asan ang magulang namin at totoo niyang pangalan.

Pinagawa lang ni Ranz ang pekeng puntod ng my maiyakan siya at alam ko sinira na niya ito ng malaman niya ang lahat ay dun na siya msimo sa katawan ni Lea.


"Naayos ko na po lahat tita wag kana umiyak ako bahala hindi mawawala sa inyo ito tutulungan ko po kayo" -pag papakalma ko kay tita Carmen.


Siya ang tumawag sakin dahil my problema sa company at hindi na niya alam gagawin lalo na matanda at mahina na katawan niya para ihandle ang pressure kaya andito ako para tulungan siya.

Andito ako dahil isa ding akong holder sa company nila advertising agency kasi sila.

Malaki din ang percent ko dahil nalugi noon ito at tinulungan ko sila dahil din minsan napapabayaan din ito.


"Rian hindi ko na alam gagawin ko lalo na sa anak ko Rian... Lumalala na sakit niya hindi na niya kaya pang ihandle ang company at kakaisip sakanya at kakaalala ay nag kakasakit ako hindi ko na alam pa" -iyak nitong sabi sakin.


"Hindi ko mahingan ng tulong ang ibang kamag anak namin dahil wala silang alam dito sa iniwan ng asawa ko para samin hindi kami mayaman at my sarili silang buhay" -napundar kasi ng maliit na agency noon ang mag asawang ito.


Pero ng namatay siya ay napilitan si tita pag aralan ang pasikot sikot dito sa una ok pa dahil sa anak niya kaso my nangyari kaya napabayaan at nagkautang ng malaki ito. Para masalba binili ko halos kalahati ng agency.

Binili ko kahit my malaking kapalit, ginawa ko ito para matulungan sila dahil kahit baliktarin lahat alam ko my kasalanan ako sa nangyayari sa buhay nila.

Kaya ko ginagawa ito, gagawin ko lahat dahil isa ito sa problema na kinahaharapan ko. Isa lang ito sa problema na ginagawan ko ng paraan at dahil dun patong patong na ang nangyayari.


"Rian nahihirapan kana hindi mo kailangan gawin to" -hinarap ako ni tita Carmen sakanya.


Hinawakan ko ang kamay nito at nginitian siya, pero kahit ramdam ko ang kirot sa ulo ko ay hindi ko pinahalata dito.


"Wala lang itong hirap na ito sa lahat tita Carmen, wala lang ito" -pag kukumbinsi ko sakanya.


Pero bakit pakiramdam ko hindi lang sakanya ang pag kukumbinsi ko, bakit pakiramdam ko kinukumbinsi ko din sarili ko sa nangyayari.

Bakit pakiramdam ko ng sinabi ko iyon ay kulang pa din dahil alam ko na lubog na lubog na ako sa lahat ng problema.

Secrete RevealedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon