"Overwork. Underpaid"Asar na bulong ni Rich habang naghahanda na sa pag out. Syempre all smiles pa din siya kahit pagod. Basic yan sa mga tulad niyang frontliner personnels.
Dapat nakangiti kahit babagsakan ka na ng langit.
Bilang isang front end supervisor ng isang sikat na mall, nakakapressure din.
Actually, apo siya ng may ari pero batas na sa angkan nila ang magsimula sa baba at magtrabaho kasabay ng mga empleyado. In that way daw, matututo sila sa mga kalakaran ng negosyo.
Ang sabi mas mapapahalagahan, kapag pinaghirapan.Kahit na me posisyon siya, stress din ang kalaban niya. Complain dito, complain doon. Void dito, void doon. Recieve ng calls. Need niya ihandle lahat plus may mga utos pa si manager. Update ng sales report. Gumawa ng report. Etc.etc. .
"Bye, Ma'am Leslie" paalam niya sa senior supervisor nila
"Bye, Rich. Ingat ka" magiliw na sagot nito."Hah! Plastic" Natatawang isip niya. Alam niyang madaming inis na empleyado sa malditang visor na yon. Mabait lang naman sa kanya dahil sa katayuan niya.
Pag kascan ng ID, diretso n siya ng locker para kumuha na gamit.
Nagpaalam din siya sa guard no'ng sinabit niya na ang ID. Iniiwan talaga nila ang company ID nila kapag off duty na.
"Woah, ang lakas ng ulan" sambit niya pagkalabas. Magcocommute pa naman siya. Mind this, hindi siya pinapagamit ng kotse. Buhay mahirap talaga siya pero buti na lang pinayagan siyang tumira sa pinakamalapit na condo kung saan pag aari din ng pamilya nila.
Halos wala ng tao sa labas. Madalang din ang sasakyan. Kung may dumaan man, may mga sakay.
Habang nag aabang siya ng taxi may napansin siyang babae nakajacket ng pink at nakamaikling palda. Basa na din suot nitong highcut na chuck. Nakatingala ito sa langit ng nakapikit. Yakap yakap nito ang bag at mukha itong maganda kahit nakatagilid.
"Tsk.tsk, mga babae sa panahon ngayon." Naiiling na sabi niya sa sarili
Gabi na kasi at nasa labas pa ito na ganoon ang suot. Pinapahamak lang nito ang sarili. Puro rape at patayan pa naman ang nasa balita ngayon.
Hindi niya mapigil masdan ito sa ginagawa.
Nagulat na lang siya at dumilat ang mga mata nito sabay lingon sa kanya.
Umiiyak ito.
Tama nga. Maganda ito. Matangos ang ilong at maganda ang mata. May pagkasingkit pero hindi naman chinita. Mahaba ang pinkish red -dyed hair nito.
"Sorry" sabi nito sabay punas
"Bakit ka nagsosorry?" Agad na tanong ni Rich.
Hindi ito sumagot.
"Miss, uwi ka na. Ala una na."
"Ayoko" tipid na sagot nito na parang iiyak na naman.
"Miss, nag aalala lang ako. Pasasakayin muna kita ha.Hindi muna ako aalis."
Tumingin ito sa kanya.
"Nagtatarabaho ako dito kaya wala akong intensyong masama."
Napatingin ang babae sa suot niyang duty uniform at tumitig sa kanya. Matagal siya nitong tinitigan bago yumuko at nagsalita.
" Isama mo ako"
"Ha?" Reaksyon niya na nabigla.
"Wala akong matutuloyan. Pinalayas ako ng tatay ko. Niloko ako ng boyfriend ko. Wala akong pupuntahan." Naiiyak na saad nito.
" Sa mga kamag anak mo" suhestyon niya
"Ayoko" tipid na saad nito
"Sorry, miss, hindi naman kita basta basta madadala pauwi. Baka ano pa mangyari sayo. Baka mapagbintangan pa ako ng kidnapping. At saka, bakit ka ba basta basta nagtitiwala sakin at sasama ka." Mahabang litanya niya
"I have no choice" sambit nito
Wala maisip na sasabihin si Rich kaya hindi siya nakapagsalita.
"Kung ayaw mo, hahanap na lang ako ng ibang mag-uuwi sa akin." Biglang saad ng babae
At yon nga, matagal din bago nagdesisyon si Rich na dalhin ito pauwi. Pagod siya at mag aalas tres na. May pasok pa siya bukas. Kaysa iwan ito doon, sinama na lang niya pauwi.
At least sa kanya, alam niya hindi ito mapapahamak.
YOU ARE READING
Shades Of Blue
Любовные романыHe was with me when I was on my weakest. And seeing him, reminds me of my weakness.