Chapter 2

1.8K 64 22
                                    

Sorry natagalan ang pag UD nito. So, ito na magiging active na ang story na ito ^^

Chapter 2  

Diana's POV 

Sinundan ko si Jason papunta sa canteen alam kong maghihintay siya doon kina Hans dahil doon ang tambayan nila magkaibigan ako pa alam ko mga tambayan at mga ibang bagay na meron silang magkaibigan pero maliban kay HANS na manloloko at ewan.

Ayun umupo na siya mag-isa sa desk nilang magkakaibigan maraming bumabati sa kanya dahil kilala rin ito sa eskwelahan. Tiningnan ko ang orasan at 9:00 pa lang kaya may 30 minutes pa akong kausapin ang mokong na to. Inayos ko muna ang sarili ko at  tumingin sa salamin kung maganda pa ba ako (lagi naman akong maganda eh wala namang pinagbabago, marami nga ang nagsabi na gumanda ako ngayon). Lumapit na ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Hi." 

"Oh? Diana?" Gulat niyang sabi, di naman ako multo para magulat siya ah.  

"How's your life?"  

"Good. How about you? I heard about you and  Adrian broke up." Ngumiti siya ng medyo nahihiya kasi alam niya ang pinagdaraanan ko dun sa lalaking yun.  

"I am very good. I moved on already." Sabi ko ng may confidence sa boses ko.  

"Good. So can I ask you on a date?"

"Date?" Wow, hindi na pala ako magpapakahirap na akitin tong lalaking to ah.    

"So, may gusto ka pala sa akin?" Sabi ko na may ngiting di matanggihan ng mga lalaki.  

"Oo, matagal na nung nililigawan ka pa ni Adrian. Akala ko nga magtatagal kayo eh, kasi ikaw lang sineryoso niya." Sineryoso?  kailan pa? Wala sa bokabularyo nun magseryoso. Tsk.

"So can I ask you out?" Tanong niya uli sa akin.  

"Sure." At nagbigay ako sa kanya ng signature smile ko, sorry pero ikaw na ang unang biktima ko sa larong ito.  

"So, tomorrow. I will pick you in the room."  

"Okay."  

"Hey dude!!" Here comes the devil.  

Alam kong hindi ako napansin ni Hans rito kasi nakatalikod ako sa posisyon niya ngayon.  

"Bro, asan sila?" Baka hinahanap niya yung iba pa nilang kasama napansin ko ngang walang kasama si Hans.  

"Uhmmm, nagpaiwan kasi may gagawin pa daw sila kaya ako nalang ang pumunta rito. O bro, may kasama ka pa lang chicks ah pakilala mo naman."  

Tumingin si Jason sakin at parang nagtanong kung ok lang ba daw sa akin ito. Binigyan ko nalang siya ng ngiti at tumango. Tumabi si Hans kay Jason at nang makita niya ako medyo nagulat siya at nakabalik naman sa dati ng ilang segundo.

"So, hindi mo pala sinabi na ex ko pala ang chicks mo ngayon. Alam mo ba bro dapat hindi ka na nakikipaghalubilo sa mga patapon na tulad niya." Ano daw patapon? Kapal ng mukha nito ah.  

"Bro, porke naging girlfriend mo siya hindi ibig sabihin na patapon na siya. Bro sinayang mo siya kaya ngayon ako na ang magbibigay ng ligaya sa buhay niya na hindi mo kayang gawin noon." Wahahahahaahaha boom, talo ka na Hans may kakampi na ako.  

"Bahala ka, basta wag kang magkwento sa akin kung gaano kabored ang isang to maging girlfriend balang araw."  

"Di yun mangyayari." Tugon niya .Kasi ako ang maglalaro sa kanya hahahaha.

The PlaymatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon