*Alie's POV*
"Malayo pa ba?" tanong ko kay tito hyung.
Nasa sasakyan nya kasi kami, pupuntahan daw namin yung dorm ng mga alaga nya. May sariling dorm ang mga hayop? Ang astiiiggg.
(Hyung- tawag ng mga lalaki sa kapwa nila lalaki na mas matanda sa kanila.)
Actually, hindi naman talaga 'hyung' ang pangalan nya eh. Opo, babae ako pero sanay ako na yun ang itawag sa kanya. Parang kuya ko lang kasi yan, medyo makulit kasi to at kalog kung ikukumpara sa mga ka edad nya, kaya nga magka vibes kami. ^_____^v
"Don't worry Alie malapit na tayo. Alam kong gutom ka na, oh eto." sabay abot ng isang box.
Kasi naman eh. Pagka gising na pagka gising ko ay pinag empake na ko ni tito hyung, magbabakasyon daw AKO. Yehey! At dahil isa akong dakilang masunurin, wala nang tanong tanong pa, empake na! :D
I'm Alie, 16 years existing. Turning 17 this september. My nationality is Filipino. Pinapunta ko dito ng parents ko para daw makakita naman ako ng ibang surroundings. Ang cool noh?
Pero joke lang yun. Tinanong kasi nila ko kung kaninong kamag anak daw namin ako gustong magbakasyon, edi sabi ko kay tito hyung na lang. Sa Korea kasi sya nakatira. *O* Kung saan din naroroon ang mga mahal este bias ko. hehe. Opo, I'm a Kpop fan. ^^v
*nom nom*
Antamis naman neto. Kaso bitin. Gutom pa koo T^T
Heto ako, nakatanaw sa bintana ng kotse ni tito hyung. Ang ganda talaga ng Korea. Ano kaya trabaho ni tito hyung dito?
"Nandito na tayo." sabi nya then napansin ko na lang na nakahinto na ang kotse sa tapat ng isang building. Dorm, parang ganun.
Lumabas ako ng kotse habang kinukuha naman ni tito hyung yung mga bagahe ko.
"Eto na ba yung dorm ng mga alaga mo?" tanong ko habang nakatingin pa rin sa building. Anlaki naman yata nito para sa mga hayop.
"Oo, eto na nga yun."
"Eh bakit parang an---" at ayun, iniwan na ko. Salamat sa paghihintay ha? na appreciate ko. -_______-
Sinundan ko na lang ang napaka bait kong kamag-anak hanggang sa sumakay kami sa elevator.
"Hindi naman siguro puro dogfoods ang nandun, may pagkaing pantao din dun diba?" nanlaki naman ang mga mata nya at tumawa ng tumawa. Nako, may kamag anak pala akong baliw.
"Uyyyy. tito hyuuung~" hala sige, tawa pa.
"Haha. Akala mo ba talaga mga aso sila? Haha." Mangiyak ngiyak pa ang loko.
"Bakit, hindi ba sila aso? Ano, pusa ba?" malay mo naman diba.
"Hindi. Hahahaha." hindi sya huminto kakatawa hanggang bumukas yung elevator. Woosh, tumigil din akala ko forever na syang tatawa eh.
"Kung hindi sila aso at hindi rin pusa, eh ano sila?"
"Makikita mo." sabay doorbell sa isang pinto. Pagbubuksan ba sya ng hayop?
Unti-unting bumukas ang pinto at pagpasok namin ay tumambad ang anim na nilalang na nakapila sa aming harapan.
O.O
Nanlaki ang aking mga mata. Hindi ako makagalaw.
"Sila ba yung mga alaga mo?" tanong ko kay tito hyung habang nakatingin pa rin sa anim na nilalang.
"Oo sila nga. Ano sa tingin mo, aso ba o pusa?"
"What the?!" bulong ko sa sarili ko.
"Annyeong haseyo!" sabay sabay nilang bati. tapos nag bow.
Isa lang ang masisiguro ko sa inyo..
Ang gagwapo ng mga aso at pusa na to. Sh*t.
----------
FACT: Their dorm is in Hannamdong, in Seoul.
Vote.Comment :)
B.A.P forever Fighting! ^^
-sapphiresweetheart ♥
BINABASA MO ANG
Young Love (B.A.P Zelo Fanfic)
FanfictionFan fiction about Choi Junhong of Best Absolute Perfect ♥