Pagkatapos ng plastikan na pangyayari na yun kasama si higante este si Junhong, niyaya na kami ni Yongguk oppa para kumain.
"Woooow~! Andaming foooods~!" sigaw ni Daehyun oppa sabay tusok ng sushi gamit ang chopsticks nya.
"Hmm. Ansarap naman nito manager hyung. Anong tawag dito?" -Himchan oppa.
"Takoyaki yan hyung. Specialty ng Japan." pagpapaliwanag ni Youngjae oppa.
Nakakatuwa naman silang tignan.
"Ah yun pala. Bili ka ng marami nito pagkabalik mo galing Japan manager hyung!" -Himchan oppa
Shet. Naalala ko nanaman yung tungkol dun. Seriously? Makakasama ko talaga sila dito? Ang B.A.P makakasama ko?! Ang sayaaaa~ Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti.
"Oh Alie, bakit ka napapangiti mag-isa dyan?" bumalik ako sa realidad ng magtanong si Yongguk oppa.
"Ah. Wala to oppa. Ahm.. Masarap lang yung pagkain." pagpapalusot ko. Takte naman. ><
"Ah. Pero wala namang pagkain dyan sa plato mo." napalunok ako sa sinabi ni Yongguk hyung. Naman oh. Bakit ba kasi yun yung ginawa kong palusot.
"Ah.. Ano.. Amoy masarap kasi eh. hehe." napakamot na lang ako sa batok. Pahiya nanaman!
"Ganun ba? Sige kumain ka na bago pa maubos ni Daehyun lahat." pagkatapos nun ay tumingin naman sakanya si Daehyun oppa na may hawak pang manok at tonkatsu.
"hsbzjabzhsgqocsop" ayun. wala kaming naintindihan dahil puno ang bunganga nya.
"Manners Dae. Manners." pagsaway ni Yougjae oppa. Sinamaan naman sya ni Daehyun oppa ng tingin at pinagpatuloy ang paglamon este pagkain.
Nakakatuwa naman sila panuorin. Napangiti nanaman ako. Hindi na naman nakatingin si Yongguk oppa kaya ayos lang. Nilibot ko isa isa ang bawat member. Mukhang mag eenjoy ako dito kasama silang laha-- Hanggang sa nahagip ng dalawang mata ko si Junhong. Nakatingin sya sakin at bumulong. Yung bulong na walang boses pero maiintindihan mo sa galaw ng bibig nya. At kung tama ang pagkakabasa ko dun, ang sabi nya "Crazy." Nice. Just nice. Hindi nga ako nakita ni Yongguk oppa pero si Junhong naman. Binelatan ko na lang sya. :P
"Bakit nakalabas ang dila mo Alie?" tanong ni Himchan oppa.
REALLY.NICE. -__________-
bwisit ka Junhong. Napahiya nanaman ako. Packing teyp naman oh.
Isip palusot..
"Ahm.. Ano kasi--" di ko na natapos yung sasabihin ko ng biglang..
BINABASA MO ANG
Young Love (B.A.P Zelo Fanfic)
FanfictionFan fiction about Choi Junhong of Best Absolute Perfect ♥