●Chapter 7: World war III

46 2 0
                                    


*Yongguk's POV*

Pagkatapos naming mag-usap ni Manager hyung, hinatid ko na sya sa labas, mag eempake pa daw sya. Tatawag na lang daw sya kapag flight na nya.

Nasabi na rin sakin ni Himchan yung nangyari kanina. Pati sya lumabas dahil sa dalawa. *sigh* Mga bata nga naman. Simpleng away lang yun. Normal lang siguro..

Pagkabukas namin ng pinto ng dorm..

*blag*

May tumamang unan sa mukha ni Himchan. May isa pang paparating pero nasalo ko naman. Ang gulo ng sala. Kailan pa nagkaron ng lumilipad na unan dito? Nakita ko si Youngjae na nakaupo habang nakasubsob ang noo sa kamay at umiiling. Si Daehyun? Nasa kusina siguro. Si Jongup naman pinupulot yung mga unan at nilalagay sa tamang ayos. Habang sila Zelo at Alie? Ayun kinukuha ulit yung mga unan at nagbabatuhan. Ngayon alam ko na kung bakit ganun si Youngjae. Di na rin nya siguro masaway yung dalawa. Dumating naman si Daehyun galing kusina at may dalang popcorn.

*blag*

"Popcorn koooooo~!"

Tinamaan kasi ng unan yung popcorn nya at tumapon. Pero hindi pa rin natinag yung dalawa at patuloy lang ang habulan at batuhan. Tsk.

Tumakbo naman si Jongup at kumuha ng walis para dun sa popcorn. Buti pa to..

Naubos na yung mga unan, kinuha ni Alie yung remote at binato kay Zelo. Buti nakaiwas to.

Kinuha naman ni Zelo yung nakadisplay na kahoy na espada sa pader.

Si Alie? Kinuha yung walis na dala ni Jongup at nagsimula na silang mag espadahan.

Nakaka stress tong mga batang to -_______-

"Higante!"

"Dwende!"

"Kapre ka kasi!"

"Maliit ka lang!"

"Sobra ka kasi sa laki!"

"Sobra ka kasi sa liit!"

"Pikon ka dwende ka!

"Ako si Angelie Sophia Marquez! Hindi dwende pangalan ko!"

"Di bagay pangalan mo sayo! ANGELie daw. Evil ka naman!"

"Ikaw nga ang baho ng pangalan mo eh. Junhong? Katunog ng kangkong!"

"Ano?! Ka-kangkong? Ano yun hayop? Walang ganun dito sa korea!"

"Gulay yon! Eto naman si tanga!"

"Abat. Sinong tanga huh?!"

"Baka ikaw?! Alangan namang ako diba?!"

"Crazy!"

Young Love (B.A.P Zelo Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon