●Chapter 6: Interested

47 3 0
                                    


*Zelo's POV*

"Para kang bata kumain. Ang dumi ng mukha. haha." sabi nung babae na yun at tumakbo.

O______O

Dali dali akong tumakbo sa CR para tignan ang itsura ko. Pero pagtingin ko sa salamin..

-_______-

Wth? Wala naman palang dumi. Asar din yung dwende na yun ah. Makakabawi din ako. Let the battle begins..

Pagkalabas ko ng CR, dumiretso na ko sa sala. Nakakuha kaya yung dwende ng tubig? Ano na kayang nangyari kay Jongup hyung?

"Ahahaha."

"Ano ka ba naman Jongup. hahaha."

"Kahit kailan talaga. Tsk."

"Ice cream pala ha. Wahaha."

Naabutan ko silang pinagtatawanan si Jongup hyung na kasalukuyang mauubos na yung isang pitsel ng tubig. tignan ko lang kung hindi yan maihi mamaya. Haha. :D

Kasama rin pa lang nakikitawa si dwende. Haha. Ang cute. Este ang cute asarin. Oo tama. Wahaha.

"Oh Zelo, san ka galing?" -Himchan hyung

"Nag CR lang hyung."

Nakita ko namang nagpipigil ng tawa si dwende. Bwisit talaga. Makakaganti rin ako. *evil grin*

"Osya. Ligpitin na natin tong mga pinaglamunan nyo." -Himchan hyung

"Pinaglamunan? Kay Daehyun lang yun eh." -Youngjae hyung

"Kala mo sya di matakaw." -Daehyun hyung

"Hindi naman talaga."

"Oo kaya."

"Hindi nga."

"Oo nga."

"Deny ka pa eh."

"Totoo naman eh."

"Taba mo nga dati eh."

"Dati yun"

"Dati lang ba?"

"Daehyun!"

"Youngjae!" pang-aasar ni Daehyun hyung. Kahit kailan talaga tong dalawang to. Haha. Kaya hindi tinatawag na hyung ni Youngjae hyung si Daehyun hyung eh.

"Tigil na." pag awat ni Yongguk hyung. Yung malalim at malaki nyang boses ang nagpapatigil sa dalawa. Creepy eh. ><

"Gaya ng sinabi ni Himchan ligpitin nyo na yan. Pag-uusapan lang namin ni manager ang pagpunta nya sa Japan. Behave arasso?" dugtong ni Yongguk hyung. Napatango na lang kaming lahat. Katakot eh.

(Arasso?- understand?)

Oo nga noh? Makakasama namin dito sa dorm si dwende. Tsk. Pag minamalas ka nga naman..

Or should I say, sinuswerte? Araw araw na may aasarin? May pagtitripan? May bubwisitin? Haha. Exciting..

"Oy Zelo nangingiti ka dyan mag-isa? Tulungan mo kami dito."-Himchan hyung

Tumingin namin sakin si dwende tsaka binelatan ako.

"Crazy.." bulong nya pero rinig ko naman.

"Bleeeh. :P" bawi ko

Pabalik balik kami sa kusina at sala para ligpitin yung pinagkainan. Pagpunta ko sa kusina para dalin yung mga baso, naabutan ko dung mag-isa si dwende..

"Pssst.." tawag ko sakanya.

"Ano nanaman?!" taray naman.

"Baket ikaw ba tinatawag ko?" wahaha. Maasar nga.

"Hoy higante kita mo namang tayo lang ang nandito diba? Alangan namang yung ref yung kausap mo?" ay oo nga noh.

"Hindi yung ref. Yung lababo ang kausap ko dwende." yan Zelo. Pa cool pa rin dapat.

"Baliw! Edi magsama kayo ng lababo mo." sabay walk out. Syempre di pa dun nagtatapos dahil pinatid ko sya. Wahaha. Dapa sya eh.

"Anong nangyari sayo Alie?" pagtatanong ni Jongup hyung na kakapasok lang ng kusina kasama si Daehyun, Himchan at Youngjae hyung. Hahaha. Audience!

"Hahaha. Lampa kasi. Bleeh." pang aasar ko.

Tumayo si dwende at pinagpagan ang sarili. Kinuha nya yung platong hawak ni Youngjae hyung na may laman pang strawberry cake tsaka sinalampak sa mukha ko.

AKO: O_______O

HYUNGS: O_______O

SYA: ^______^

"Ayan kakulay na ng buhok mo. Masarap ba? Wag mong solohin ha? Bigyan mo yung kausap mong lababo." sya sabay walkout.

Ako? Naktulala pa rin. Nalalasahan ko na yung cake na nasa mukha ko. Napangiti na lang ako. You've got my interest little girl. *smirk*

----------

FACT: Zelo was also called Bunhong because it's close to his real name and his hair color was pink during "Power" promotions.

Vote.Comment :)

B.A.P forever Fighting! ^^

-sapphiresweetheart ♥

Young Love (B.A.P Zelo Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon