Prologue

1.7K 45 9
                                    

"Nandito na ang mga kalaban mahal na reyna Geneya. Kailangan na nating marating ang lagusan patungo sa mundo ng mga tao sa lalong madaling panahon."

Mahigpit na hawak ng reyna ang kanyang anak na si Rysum habang mabilis na naglalakad sa kagubatan. Si Rysum ay labing apat na taong gulang pa lamang. Isang oras na silang tumatakbo at napapagod na ang tatlo kaya tumigil muna sila sa pagtakbo para habulin ang paghinga.  Sa panahong ito ay wala silang oras para magpahinga kaya agad rin silang nagsimulang maglakad. Hindi napigilan ng reyna ang sarili na lingonin ang kahariang linilisan.  Dito ay napahinto siya sa paghakbang dahil sa kaniyang nakita. Tanaw mula sa kalayuan ang madilim at malaking usok mula sa kaharian ng Catana.

Agad namang natauhan ang reyna nang marinig ang tunog ng hakbang. Alam niyang malapit lamang ito kaya hindi na siya nagsayang pa ng panahon. Sinabihan niya ang mga kasama na tumakbo. Nagsimula na silang tumakbo ngunit bago pa man sila makalayo ay narinig nilang may bumagsak sa kanilang likuran. Nang lingunin ng dalawa ang pinanggalingan nito ay nakita nilang nakahandusay ang kasamang si Darato. Si Darato ay isang tagapaglingkod ng kaharian ng Catana na inatasang magbantay sa prinsepe. Nais ng reyna na tulungan ang tagapaglingkod dahil ito'y nag-aagaw buhay na ngunit papalapit na ang mga kalaban at alam niyang hindi na makakayang makalayo ng tauhan kaya nagdesisyon na lamang itong iwan at nagpatuloy sila sa pagtakbo.

Nang marating nila ang kanilang destinasyon ay nakahinga ng malalim ang dalawa. Sa wakas at narating nila ang lagusan patungo sa mundo ng mga tao. Ngunit ang kanilang pahinga ay panandalian lamang dahil narinig nila ang mga hakbang mula sa paparating na mg kawal. Pakiwari ng reyna ay masiyado nang malamit ang mga kawal at maaring hindi na sila makakaligtas kung kaya't naisipan niya'ng gawin ang nag-iisang paraan para makaligtas ang prinsipe. 

"Anak ko, kahit anong mangyari kailangan mong mabuhay. Darating ang panahon na magiging maayos rin ang lahat. Tandaan mong mahal na mahal ka namin ng iyong amang hari." Hindi mapigilan mapaluha ng reyna habang binitawan ang mga salita. Niyakap niya nang mahigpit ang anak dahil alam niyang maaaring iyon na ang huling pagkakataong magawa niya ito.

"Ina, bakit niyo po sinasabi iyan? Magkakasama naman natin lisanan ang mundo nati, hindi ba?" Sa puntong ito ay napaluha na rin ang prinsepe. Hindi nais ng reyna ang malayo sa anak ngunit wala na siyang ibang naisip na paraan para makatakas at makaligtas ang anak.

"Patawad anak ko ngunit kailagan kong maiwan dito dahil may mahalagang tungkulin pa akong dapat tapusin. Pumasok ka na sa lagusan anak. Ngayon na!" Kaysa pareho silang hindi makakaligtas mula sa mga kawal napilitan ang reyna na itinulak ang anak sa nag-liliwanag na lagusan nang hindi pa man tapos magsalita. Kinailangan niya ang gawin ito dahil alam niyang hindi magagawa ng anak ang iwan ang ina. Alam din niya na mas lalo lamang silang masasaktan kung patatagalin pa niya ang sitwasyon.

"Inaaahhh!", nag-aalingawngaw na sigaw ng anak habang tuluyang kinakain ng lagusan.

"Paalam mahal na prinsipe." Napabulong na lamang ang reyna sa kanyang mga huling mga salita. Alam niyang hindi na ito kailanman maririnig ng anak ang kanyang mga salita.

Napadpad ang batang prinsipe sa isang kagubatang puno ng mga dambuhalang punong-kahoy. Kaunti lamang ang liwanag na nakakapasok sa luob ng kagubatan dulot ng nagkakapalang mga dahon at sanga ng mga puno. Dahil dito ay napakadilim ng paligid at aakalain mo'ng gumagabi na. Ramdam din ng bata ang napakalamig ng paligid.

Masyadong malakas ang pagkabagsak ng prinsepe kaya nahirapan itong igalaw ang katawan nang nagtangka itong tumayo. Bigla ring nagiba ang kanyang paningin. Wari niya'y umiikot ang kanyang paningin at sumasayaw ang lahat ng bagayna kanyang nakikita. Pinikit niya saglit ang kanyang mga mata at inilipat ang tingin sa taas kung saan gumagalaw at kumikinang ang maliliit na mga liwanag na nakakapasok sa gubat. Duon din niya namalayan ang huni ng mga ibon at ibang mga hayop na nakatira sa kagubatan. Hindi nagtagal ay unti-unting dagdilim ang kanyang paningin. Ramdam ng katawan ang sobrang pagod dulot ng ilang oras na pagtatakbo. Ilang saglit lang ay nawalan ng malay ang prinsipe.

Foresia (Filipino/Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon