Chapter 4

262 14 0
                                    

-4-

AN: Guys pasensya na. Nagkaroon ata ng problema si watty. Nagka switch yung chapter 5 at chapter 4. Kayo na lang po muna mag adjurt. Thou tama naman yung pagkaka arrange nya sa CREATE ko e. Kaya lang nung nagpublish ako nagkaganun na. Sana maayos na si Watty.

~KATHIE'S POV~

Tapos na ang first subject. Di pa rin pumapasok ang kulugo. Baka naman nag-enjoy na yun dun. Hahaha buti nga sa kanya. Nakakatakot pa man din yung baklang yun.

''Aba malapit na ang second subject wala pa din si pareng Dash. Nasan na kaya yun ? Maaga naman pumasok yun ngayon. Na-late pa din.'' sabi nung isang lalake dun sa katabi nya.

''Nagtaka ka pa Alex. Malay mo naman naharang na ng mga fans nya yun.''

''Hala baka hindi fans. Baka yung balang si Jelly ang humarang dun. Hahaha. Di na nadala. Nabugbog na nga sya ni Dash last week sa panghaharass nya.''

Ah kaya pala ganun na lang makatakbo si kulugo kanina. Kaya pala wagas makatago. Naharass na pala sya ng baklang yun. Hahaha. Nakakatuwa naman.

''Uwaah ! Mommy Daddy. Tulungan nyo ako. Huhuhu .'' dumating na si kulugo.

Pfft. Hahaha. Nakakaawa naman itsura nya. Pfft. Ganun ba talaga kaobsess sa kanya yung bakla na yun ?

Naharass nga ang kulugo. Grabe lang. Gusot na gusot ang polo nya. Wala sa ayos. Magulo rin ang buhok. Ano kayang ginawa nila dun ? Hahaha. Naka-iskor kaya si Jelly ?

''Pffft . Ahaha. Oy pre anong- AHAHAHA- nangyare -pfft- sayo ? Mukha kang nagahasa ?'' tanong ni Alex.

Haha e totoo naman . Mukhang ganun nga ata nangyari sa kanya. Makulong ba naman sa CR na silang dalawa lang ng baklang yun.

''HUHUHU. Pare napagsamantalahan ako. Huhu. Tawa ka pa jan. Ikaw kaya ikulong ko sa CR kasama ng baklang yun .''

''Hahaha. Talaga pare ?! Wow ha naka iskor ba?'' nanlalaking mata na tanong ni Alex. Nanonood lang ako sa usapan nilang dalawa.

Si Dash nakaupo na din sa tabi ni Alex. Hinahaplos ang mga braso. Parang babae .

Napapanguso ako pagpipigil ng tawa. Naiimagine ko kasi yung nangyare kay Dash. Curious din ako kung naka iskor si Jelly .

''Bwiset. Matapos mo akong iwan kanina dun. Di mo man lang naisip na di ako nakapasok sa first subject dahil baka may nangyaring masama saken. Anong klase kang kaibigan. Huhuhu.'' binatukan pa nito si Alex.

''Pfft. Haha.'' ayan di ko na napigilan sarili ko. Nakakatawa naman kasi e.

''Hoy ! Anong tinatawa tawa mo jan ? Ha?! May kinalaman ka ba sa nangyareng krimen sa CR kanina ? Ikaw ba ang naglock samen dun ?'' humarap sya saken. Uh oh. Nagagalit na ang kulugo.

''Oy wala ah. Makabintang ka wagas. May pruweba ka ba ha ?! Pfft. Ahaha'' natatawang tanong ko.

''E bakit ka tumatawa ? Siguro ikaw nga naglock samen dun ! Walangya ka. '' sumugod sya saken. At ano sasakalin nya ako ? O kaya susuntukin ?

''Oy oy Pre relax ka lang. Nanunugod ka agad e. Babae yan oh.'' pinigilan sya ni Alex sa pagsugod saken.

''Babae ?! Yan !? Tomboy kaya yan ! Bwiset pagbabayaran mo to. '' bumalik na rin sya sa upuan nya. Pero masama pa rin ang tingin saken.

''Tsk di mo ko masisindak sa masamang titig mo. Hah ! Panuntok na lang tayo oh. Jerk !'' sabi ko. Tinaas ko pa ang manggas ng blouse ko. Akala nya uurungan ko sya ha.

''Abat- talaga namang . Sige panuntok pala ha.'' tumayo rin ito. Pinigilan naman sya ulit ni Alex.

''Uy tama na nga yan. Miss wag mo na nga patulan to. Pagpasensyahan mo na lang. May pinagdadaanan e.''

''Pagsabihan mo yang kaibigan mo. Gumanti lang naman ako.''

''Hoy sumosobra ka na ha.'' nagpupumilit itong lumapit saken.

''Bleeeeh. '' binelatan ko na lang. Lalo naman napikon si kulugo. Haha. Kung nakamamatay lang ang tingin kanina pa ako nakabulagta dito.

Sinamaan ko din ng tingin. Hah ! Titigan pala.

''Gaganti ako tandaan mo yan. Magbabayad ka.'' sabi nito.

''Ooh I'm scared . Magkano ba ? Tsk. Whatever, Jerk .'' pangaasar ko pa dito.

''Ugh ! Bwiset. Witch ka. Witch !'' nanggigigil na sabi nito.

Wow, not a bad day after all. Hahaha. Gaganti daw ? Okay. Let's see what you got, jerk.

Akala mo papatalo ako. Na-uh !

~ROSELLE'S POV~

Ooh ang mean ni Kath ah. Galing nya infairness. Biruin mo nagawa nya yun kay Dash ?

Tsk. Pano ko nalaman ? Narinig ko e. Ako pumasok dito sa klase ng kakambal ko. May pupuntahan kasi sya.

Pero nung pagdating ni Kath napagtripan ko sya. Sabi ko ako si Rochelle. E nakasalubong naman nya si kambal.

Haha galing namin mantrip ni kambal noh ? Sa totoo lang wala ibang kaya maka identify samen kung sino ang sino pwera na lang sa kanya. Bukod syempre sa magulang namin.

Kung sino yun. Sikreto muna. Hahaha.

Gaganti daw ang prinsipe. Ano kayang gagawin nya.

Nakakuha sya ng katapat nya.

Paniguradong maganda ang mga susunod pang araw dahil sa dalawang to.

Kung makealam kaya kami ni kambal ? Para mas maging exciting. Para makaganti na din kami sa kulugong yun.

Hmm makausap nga si kambal tungkol sa bagay na to.

------

AN:

Short update -_^

Follow, VOTE, comment please ..

Beating The JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon