Chapter 7

244 12 0
                                    

-7-

~KATHIE'S POV~

Hindi mawala wala ang ngiti sa labi ko. Lagi ko kasi naaalala yung nangyari kahapon sa field. Haha. Akala ata nya makakaganti na sya saken. Na-uh mautak ata to.

Natatawa ako pag naaalala ko kung paano sumaludo yung junjun nya at kung paano mamula yung mukha nya kahapon.

''Pfft. Ahaha epic talaga. Napatakbo e.'' andito lang ako sa kwarto ko ngayon tutal sabado naman at walang pasok.

Tanghali na rin ako nagising. Masyado napasarap ang tulog ko e.

Hanggang ngayon natatawa pa rin ako.

''Kath, lika na kain na tayo.'' tawag ng pinsan ko. Si ate Arha Shaine Milette. Haha. Haba ng pangalan noh.

Kaming dalawa lang kasi ang magkasama sa bahay. Nasa japan kasi ang mama ko. Yung tatay ko naman hindi ko nakilala bata pa lang ako.

''Sige ate pababa na.'' ganting sagot ko.

Ginawa ko muna ang morning rituals ko bago lumabas ng kwarto. Pagpunta ko sa kusina nag lalagay na ng plato si ate Shaine.

Tumulong na rin ako. Kumuha na ako ng kubyertos para saming dalawa.

''Lika na kain na tayo.'' umupo na sya. Umupo na rin ako sa tapat nya.

Kami lang ang magkasama ni ate. Ilang taon na din. Mga five years na ata.

Yung parents nya kasi e nasa Los Baños Laguna.Kami naman e dito sa San Pablo. Kapatid ni mama yung papa ni ate Shaidme na si Tito Dennis. Wala akong ibang makakasama dito kasi nga nasa japan si mama kaya pinakiusapan ni mama si ate Shaine na samahan ako.

DH si mama si japan. Sya lang bumubuhay saken. Sya gumagastos para sa tuition at baon ni ate Shaine kapalit ng pagsama saken dito

Yung tatay ko naman, wala akong balita. Wala akong alam sa kanya bukod sa apelyido nya na gamit ko.

Wala pa ata akong 1year old e iniwan nya kame ni mama. Kaya nagdecide si mama nun na pumunta sa japan.

Wala rin knkwento si mama tungkol kay papa. At wala rin akong balak magtanong sa kanya tungkol dun. Masaya na ako sa buhay ko ngayon. Bakit hindi ? E napalaki naman ako ng maayos ni mama. Running for valedictorian pa. Siguro eto na lang maisusukli ko kay mama sa paghihirap nya para saken. At pasasalamat sa pagpapalaki nya ng maayos saken.

Kung tatanungin nyo ako kung pano kapag nagkita kami ng tatay ko ang isasagot ko ay hindi ko alam.

Andun pa rin yung katotohanan na ama ko pa rin sya at dugo nya ang nananalaytay sa katawan ko. Pero andun pa rin yung galit. Kasi pinabayaan nya kami ni mama. Iniwan nya kami. Na ulitimo pambili ng gatas at diaper ko e wala sya naibigay.

''Huy Kath.'' pumitik sa 'harap ng mukha ko si ate Shaine.

Sorry naman natulala ako.

''Aah bakit ?'' tanong ko. ''Ano nga yung tinatanong mo ?''

''Sabi ko kung may gagawin ka mamayang hapon. Ang boring kasi dito sa bahay. Baka gusto mong sumama sa SM mamaya.''

''Ha ? Wag na. Pupunta rin naman ako sa bayan kasi kukunin ko yung padala ni mama na allowance ko.''

''Ganun ba ? Sige next time na lang.''

''Sige.''

Nagpatuloy na lang ulit kami sa pagkain. Nung natapos kami nagprisinta na ako na maghugas ng pinagkainan namin. Nakakahiya naman kung sya na nagluto at naghain tapos sya pa din maghuhugas.

Beating The JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon