Chapter 11

233 13 0
                                    

-11-

~ROCHELLE'S POV~

Hindi talaga nag iimikan si Dash at Louie. Though sumagot naman sya kanina. Pagalit nga lang. Bakit nga kaya sila magkagalit? Totoo kaya yung narinig ko dun sa mga naguusap na babae kanina?

Seryoso naman sa pakikinig yung dalawa sa teacher na nagpapa spell. Parehas ayaw magpatalo.

Nagdeal na naman kasi sila. Wala na talagang kadala dala.

"Number 17. Foyer." ( pronounced as foyay )

Isa rin naman akong hindi fan ng spelling. Hindi rin naman ako umaasa na makakaperfect ako dito. Limited lang na words ang alam ko. Hahaha.

"Number 18. Cupboard." (please note na iba po yung pronounciation ng mga words dun sa pagkakaspell)

Pwede bang pangalan ko na lang ang ipa spell nila para mas madali. Bakit kasi pinapakumplikado nila ang mga bagay bagay e pwede naman silang mag excemp sa mga projects ng di na kami nahihirapan at di na rin sila naghihirap magquiz pa.

"Number 19. Benign."

Tumingin ako kay Alex. Isa pa run na bulok sa spelling yun e. Tsk nakakatawa lang ang itsura nya. Halatang di alam ang spelling. Konti na lang siguro magdudugo na ang utak nyan. Hahaha.

"Number 20. Rendezvous."

Kasabay ng pagbanggit ni ma'am sa last word ay pagsabi ni Dash ng Rainbow. Ginaya pa nya yung tono ng Rendezvous sa Rainbow.

"Excuse ma'am. Can you repeat the last word please." sabi ni Kathie.

"Nandaya na naman si Dash. Sinadya nya talaga na sumabay magsalita kay ma'am.

Inulit naman ni ma'am yung word pero ganun pa rin ang ginawa ni Dash. Pakisabay sa pagbanggit ng Rainbow. What a cheater!

''Ma'am I'm sorry but can you repeat it again?'' Kita sa mukha ni Kathie ang inis. Kahit naman ako maiinis kapag ginawa saken yun.

That's cheating and alam naman nilang may deal sila. Ayaw magpatalo parehas. Kaya kapit sa patalim. But kung confident naman si Dash na makakakuha sya ng perfect score, he doesn't have to do that. Segurista ang kulugo!

''I'm sorry Miss Mendoza. You know the rules. I will just have to repeat the word twice. This is a spelling quiz.''

Halata sa mukha ni Kathie ang inis sa katabi. Lumingon sya kay Dash and glared at him. Napakatuso.

And I think 3-0 na ang score.

~KATHIE'S POV~

Talk about cheater. Sht. Sinadya nya yun! Hindi ko talaga naintindihan yung last word. Instead Rainbow yung narinig ko. Pang asar pa. He said it like 'Reynboo'. Kasalanan ko ba na nasa last row pa ang upuan ko at nasa unahan si ma'am.

Napakatuso! I thought I'll win this time. Spelling lang yun. But he's such a cheater. Ginawa na na naman nya saken yung pandadaya nya.

Natapos ang first and second subject so recess na. Nakakawala tuloy gana kumain.

Everytime na mapapalingon ako sa kanya ngumingiti sya. Yung ngiting nakakapikon. Gustong gusto ko na nga higitin yung pisngi nya para tumigil sya sa pagngisi ngisi nya.

Parang ayaw ko na nga pumunta sa cafeteria. Maisip ko pa lang kasi yung consequence na gagawin ko e. It seem's na hindi ang cafeteria and magiging favorite place ko dito.

I really should have punch that jerk's ugly face. Ugh. I wanna remove that smirk on his lips.

Tumayo na ako para lumabas ng room. Wala akong ganang kumain. Magiikot ikot na lang siguro ako tutal di pa ako masyadong familias sa school na to. Isa pa baka magkita lang kami ng Dash sa caf at pag di ako nakapag pigil ay masuntok ko na talaga sya. Nakakainis yung mukha nya. Mukhang aso.

''Bring your costume tomorrow.'' Dash said then nauna na sya lumabas ng room.

Grr. Sige ngiti pa.

Pumunta ako sa garden sa tapat ng building. Dito na lang muna ako tatambay.

''So, natalo ka sa deal?'' Nilingon ko ang nagsalita. Si Louie.

I glared at him. Tama bang ulit ulitin pa na natalo ako? Kaya nga dito ako sa garden pumunta para mawala yung pagkaasar ko tapos dadating sya at pagduduldulan na natalo ako.

Hindi ko sya sinagot. Tumingin na lang ulit ako sa field sa harap namin. Naramdaman ko na umupo sya sa bench sa tabi ko.

''Ok lang naman na matalo. Wala naman masama dun.''

''Okay ? Anong okay dun e talo nga.''

Ngumiti lang sya saken. Kung di lang ako inis kanina ko pa napagpantasyahan ang gwapong mukha nito. But hey, nagawa ko na yun kanina di ba ?

''Oo, okay lang matalo. Wag lang palage. Yun ang masama.'' Dugsong ko nung hindi na sya umimik.

''You're upset?'' Tanong nya.

''Hindi naman. Nakakainis lang kasi napakadaya nya. Cheater! Tsk I wonder baka ganun din sa mga chiks nya yun. Isa pa ayoko sa lahat yung sinasabihan ako ng wala naman ako isasagot. How could he say that! Hah! Running for valedictorian ata ako. Hindi naman sa egoistic ako tsaka alam ko lalake lang ang ganun e pero kasi nakakainis sya. Ugh! Ang panget nya talaga!''b

Napatawa naman sya sa sinabi ko. Geez. I'm blabbing. Nakakahiya lang kasi hindi naman kami close. Pero keri lang, maganda ako e. Hahaha.

Ang cute nya talaga kapag ngumingiti. Pati ako napapangiti rin. Hahaha. Chos. Landi mode on lang ?

Kaya rin siguro marami ang may gusto sa kanya kasi bukod sa approachable sya at mukhang mabait e palangiti pa. Nasabi ko na ba na parang pang commercial ng toothpaste yung ngiti nya? Di kagaya ni Dash. Mukhang aso. Hahaha.

Tumayo si Louie. Naglakad sya papunta sa grupo ng mga magkakabarkada malapit sa inuupuan namin. Kinausap nya yung lalaki. Di ko naman marinig yung pinag uusapan nila kasi mejo malayo dito.

Ahh. Humiram pala sya ng gitara. Bago pa sya bumalik dito nginitian nya yung mga babae na kasama dun sa mga magbabarkada na hiniraman nya ng gitara.

Hala mangisay ngisay na sa kilig yung mga babae dun. Tsk nagagawa ng charm.

Pagbalik nya umupo sya sa tabi ko. Pagharap ko sa kanya nakatingin sya sa mga mata ko. Nakangiti na naman sya saken.

Siguro nga may gusto saken to. Di nakapagtataka, maganda kasi ako e.

Nagsimula na sya magstrum ng gitara.

Crazier by Taylor Swift.

Really? Alam nya yang kanta na yan? Dapat na ata talaga ako magduda sa sexuality nya e.

Pink polo shirt.

Puppy eyes.

Super smile.

Taylor Swift.

Kaso hindi e. Nadadala ng kagwapuhan nya yung thoughts na may ganun sa kanya. Yun ata talaga isa sa mga nagagawa ng charms ng mga gwapo.

Sa totoo lang ang galing nya kumanta. Malamig yung boses nya tsaka masarap pakinggan. Yung tipo na kahit pinapanuod mo lang sya na kumakanta at nagsstrum ng gitara nya magkaka crush ka na.

Di ba may mga cases na ganun. Na naiinlove kasi ang galing nya maggitara . Na magaling sya sa ganito, ganya. Pero inlove agad? Ang sudden naman ata masyado pag ganun. Well nasabi ko lang naman kasi alam ko may mga cases talaga na ganun.

Nakatingin lang sya sa mga mata ko habang kumakanta.

''Feels like I'm falling bnd I am lost in your eyes. You make me crazier, crazier, crazier..'' Nakatitig lang sya then suddenly, he winks at me.

Ay shet. Nagkaka crush na ata ako.

--------

AN:

Yung writer na laging may writer's block. Ako yun e! Haha. Sorry sa sabaw na update.

Salamat sa mga nagbabasa nito. Godbless.

Follow, VOTE, comment please..

Beating The JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon