Chapter 21

211 14 1
                                    

-21-

 

~DASH POV~

 

“Oh, ang aga mo.” Sabi ko kay Kathie pagkadating nya. Sarcasm overload. Tsk.

“Kaya nga eh. Dapat mamaya pa ako aalis ng bahay.” Sagot naman nito.

“Ang aga mo para bukas! Anong oras ang usapan? 9:00 ah! 9:30 na po. Wala bang relo sa bahay nyo? At wala ka pa palang balak umalis agad! Kapal nito magpaintay. Ikaw na nga tong may atraso eh.” Nanggagalaiting sabi ko. Ayoko pa man din sa lahat e yung pinagiintay ako.

“Ganun talaga. Sa matagal ako magayos eh.”

“Nagpaganda ka pa talaga. Ano yan? Nagpaganda ka para sakin? Sorry ka na lang pero di kita type.” Asar ko kay Kathie. Malay ko ba baka nagkakagusto na sakin tong babaeng to. Kunyari pa na si Louie ang crush tapos nagpapaganda pala para sakin. Amin amin din kasi.

“Matagal na akong maganda.” Inirapan naman ako nito. “Bulag ka ata eh. Malabo yata mata mo.”

“Tange. Sobrang linaw nga ng mata ko kaya kitang kita ko agad kung sino ang panget. Kaya nga kitang kita agad kita eh. Sobrang panget mo kasi.” Pang aasar ko pa sa kanya. Pikunin kasi tong babaeng to kaya ang sarap asarin eh.

“Kafal mo fo. Tumigil ka na nga. Dami mo sinasabi eh. Insecure ka na naman. Akala ko ba nagmamadali ka. Bakit dumadada ka pa jan. Tara na nga ng matapos na to.”

“Mabuti pa nga. Baka abutin tayo ng hapon sa pangaasar ko sayo.”

Naglakad na kami papunta sa kotse at sumakay dito.

“Kuya sa coffee shop po.” Sabi ko sa driver namin. Tumango naman ito at nagsimula ng magmaneho.

Wala naman kaming imikan ni Kathie habang nasa byahe. Siguro ayaw ng mapikon pa kaya mas pinili nyang manahimik na lang. Aba hindi ko naman sya uurungan pagdating sa asaran.

Nakatingin lang sya sa labas ng bintana habang nasa byahe. Hindi rin naman nagtagal at nakarating na kami sa coffee shop.

“Andito na tayo.” Sabi ko. Binuksan ko na ang pintuan ng kotse at bumaba na . Ganun din ang ginawa ni Kathie.

Naglakad sya papunta sa tabi ko at tiningnan ang harap ng coffee shop. Tumingin naman ako sa kanya.

“Cat and Mouse Coffee Shop? Weird. Bakit ganyan yung pangalan?” Nakakunot noong tanong nito.

Sabi ko na nga ba yun yung una nyang mapapansin eh. Karamihan kasi sa mga nagiging customer namin e yun talaga unang napapansin at kung gaaano daw kaweird yung pangalan. Baka daw petshop talaga to kung hindi lang nilagyan nung ‘coffee shop’.

Napatawa naman ako sa sinabi nya. “Hahaha. Ganun talaga. Weird yung nagpangalan eh.” Sagot ko.

Beating The JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon