Lumabas muna ako dahil kiss the bride na! Inosente ang mata ko para doon. Goodboy kasi ako No Girlfriend Since Birth..
Nasa may parking area muna ako nag tambay 'nang may tumawag sa name ko.
Tumingin ako sa babaeng papalapit sa akin. Hindi ko siya kilala hindi ko rin siya familliar sa akin.
"Kurt! Salamat naman at nagkaroon na ako ng time para kausapin ka." isa siguro 'tong babae na 'to sa mga baliw sa akin. Hindi ko naman siya pinansin hindi kasi ako kumakausap ng hindi ko kilala.
"Kurt!" tumingin lang ako sa kanya at hinihintay ang susunod n'yang sasabihin..
"Buntis ako." ano bang pinapagsabi nitong babae na 'to? Wala naman akong pakialam kong buntis siya.
"Ikaw ang ama." agad akong napatayo 'nong sinabi n'ya ako ang ama ng dinadala n'ya.
"Nababaliw ka na ba Ms? Hindi nga kita kilala at wala akong matandaan na nagkita na tayo! Tapos sasabihin mo na ako ang ama ng dinadala mo!" dinamay pa 'ata ako sa problema nito.
Iba na talaga ang panahon ngayon! Basta nalaman na mayaman ka gagawa talaga sila ng paraan para makuha ka.
"Kurt maniwala ka ikaw ang ama ng dinadala ko." parang maiiyak na 'yung babae sa harapan ko.
"Wag ka ngang umiyak ayoko ng ma drama! Pwede ba tigilan mo ako napaka desperada mo naman pati pagbubuntis mo idadamay mo ako!" hindi ko nga pinatulan 'yung mga babaeng lapit ng lapit sa akin sa US at kapag dito ako na halos ibigay na 'yung lahat.
Hindi kasi ako gano'ng tao, goodboy nga kasi ako.. Wala pa nga akong first kiss kaya kong iniisip n'yo na fuccboi ako malabong mangyari 'yun!
"Sabihin mo na ang lahat ng sabihin mo! Pero ikaw ang ama nitong pinapagbuntis ko!" napahawak ako sa sentido ko!
"Umalis ka na nga lang kong wala kang magawa sa buhay mo! Kong iniwan ka ng na ka buntis sa'yo 'wag mo naman akong idamay!"
"Kurt, totoo ba ikaw ang ama?" napatingin ako sa likuran ko at si daddy! Shit narinig ni daddy ang pinag-usapan namin. Wala naman kasi talaga akong alam sa pinapagsabi nitong babae na 'to.
"Dad hindi ko siya kilala." agad namang napailing si daddy.
"Mag-usap tayo mamaya! Hwag mong takbuhan ang responsibilidad mo bilang ama ng dinadala n'ya!" sasagot pa sana ako kaso umalis na si papa.
"Kasalanan mo 'to!" sigaw ko sa babaeng sinabi na ako ang ama ng dinadala n'ya. Iniwan ko lang siya doon hindi ko na hinintay sila Ke para pumunta sa bahay nila Zk.
Gusto kong ma pag-isa! Naiinis ako! Kasalanan 'nong babae na 'yun kong bakit magkakagulo 'tong buhay ko!
---------
Start: August 03, 2017
End:. October 03, 2017Jonh Kurt Brionex Stravinsky (Side Story)
-This version is non-edited hope you all understand, thanks.
BINABASA MO ANG
You Ruined My Life | ✔
Action"Sinira n'ya ang buhay" "Masaya ako 'nong wala siya sa buhay ko" "Pero mas naging magulo 'nong nawala na siya sa buhay ko" - John Kurt Brionex Stravinsky