Eleven

244 31 2
                                    

AFTER 5 YEARS

Kurt's POV

"Ano ba 'yan Kurt, tanda mo na wala ka pa ring asawa haha." - Ke
Hindi ko naman pinansin si Ke kaya ayaw nya talagang umuwi ng Pilipinas dahil aasarin lang naman siya ng mga pinsan nya. 30 years old na siya at siya na lang talaga ang walang asawa. Napapag-iwanan na talaga siya ng panahon.

"Pakasalan mo na kaya si Emely dude," sabi naman ni Alex. Si Emely ang isa sa mga girlfriend or fling ni ko ng nasa abroad ako. Pero ito lang ang umabot sa kanya ng 2 months.

"Iniisip ko nga rin 'yan pero.." Hindi ko na na ituloy ang sasabihin ko ng may lumapit sa aking batang babae. Biglang nag flashback sa akin ang mukha ni--

Oh cut that! I don't wan't to hear her name.

Pero bago pa man siya sa akin makalapit nadapa siya. Kusang lumakad ang mga paa ko at tinulungan ang bata. Nandito kasi kami ngayon sa Boracay at nag su-sun bathing.

"Okay ka lang ba bata?" Hinihingal siyang tumingin sa akin at pawis na pawis.

"Opo, maraming salamat po." Lalakad na sana siya ng pigilan ko siya.

"Bata magpahinga ka muna pagod na pagod ka." Pero umiling siya sa akin.

"Kailangan ko po puntahan mama ko. Kailangan nya ako." Agad siyang tumakbo at tinanaw ko nalang siya habang papalayo. Hindi ko nalang pinansin ang bata at lumakad nalang habang sa dalampasigan.

Bakit ganito pa rin 'yong nararamdaman ko hanggang ngayon? Gusto ko pa rin siyang makita kahit ang sakit na ng ginawa nya.

Sa totoo lang gusto ko talaga siyang makita. Ngayon ko lang talaga na realize na mahal ko siya kahit niloko nya ako. Sana noon ko pa 'to na realize sana tinanggap ko nalang siya kahit nag sinungaling siya.

THIRD POINT OF VIEW

"Okay na ba ang pakiramdam mo? Kailangan mo magpahinga" tanong sa kanya ni Lance um-oo lang naman siya dito.

"W-wait lance nasusuka ako." Agad tumayo si Abbie at inalalayan siya ni Lance. "Sobrang sakit din ng ulo ko Lance." Naiiyak na si Abbie sa sobrang sakit parang hindi nya na kaya.

"Abbie kaya mo pa naman 'di ba?" Kahit si Lance naiiyak na rin sa nakikita nyang paghihirap nito dahil sa sakit.

"K-kayanin ko pa." Pinunasan ni Abbie ang mga luha nyang pumatak. Bumukas ang pinto ng room nya at bumungad si Kherl Jane. 5 years old na si Kherl Jane pero simula ng nag 4 na taon ito nag mature na ang utak. Lalo na ngayon sa kalagayan ng mama nya.

"Mama nakita ko si.." Tumingin naman si Abbie Kay Jane na hinihintay ang sasabihin nito.

"Yong sa picture po doon sa bag nyo?" Kinuha naman ni Kherl Jane ang picture ng isang lalaki. Nagulat naman si Abbie at si Lance.

"Saan mo siya nakita?!" Galit na tanong ni Lance.

"Lance.." nanghihinang sabi ni Abbie. Tumingin naman si Lance kay Abbie.

"Sino 'yong nasa picture?" Nagtatakang tanong ni Abbie. Napapikit nalang si Lance at lumabas ng room. Lumapit naman si Kherl Jane kay Abbie.

"Mama masakit po ba masyado ang ulo nyo?" Ngumiti naman ng pilit si Abbie kahit na masakit na masakit na ang ulo nya.

"Ayos lang ako anak kakayanin ni mama. Malakas 'ata ang mama mo." Nag smile naman si Kherl Jane at hawak pa rin nito ang picture nito.
Kinuha ni Abbie ang picture na hawak ni Kherl Jane.

Tinitigan nya ito pero may mga nakikita lang siya na mga blured pero hindi nya makita ng husto. Pero alam nyang kilala nya ito pero hindi nya talaga makilala kong sino. Mas lalo lang din sumasakit ang ulo nya kapag inaalala nya kong sino ito.

You Ruined My Life | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon