Epilogue

332 37 13
                                    

3 Months Later

Nasa loob lang ng room nya si Kurt at parang wala na siya sa sarili nya. May nakapa siya sa ilalim ng kama nya at nakita nya ang isang papel. 'Yun ang papel na sinulat ni Abbie bago siya mamatay.

Hindi nya pa ito nababasa binukat nya ito.

      Sana maintindihan mo itong writing ko. Nahihirapan na kasi talaga ako buti nalang naiwan ni Kherl Jane ang papel nya at may nakuha akong ballpen. Nanlalabo na ang paningin ko at sobrang sakit na ng ulo ko.

     Hindi ko na kaya Kurt sobra na akong nahihirapan. Ang sakit sakit na hindi na 'ata ako aabot bukas. Ayoko na. Siguro ngayon nandoon ka na sa parents mo at kausap mo na sila. Sana magkaayos na kayo kahit dati hindi mo sinabi ang about sa parents mo. Alam ko, alam ko ang lahat Kurt.

      Kong mawala man ako ngayon 'wag mong pababayaan ang sarili mo. Please lumaban ka kahit wala na ako at alagaan mo si Kherl Jane. Siya nalang ang meron ako at 'wag mo siyang pababayaan. Nagpapasalamat ako kay God kasi kahit sa huling pagkakataon pinagbigyan nya akong maaalala ka.

     Kahit anong mangyari 'wag kang magtatangka na magpakamatay. Kasi kapag ginawa mo 'yun gagawa ako ng paraan para hindi mo 'yun magawa. I'm sorry kasi hindi ko na matutupad ang promise ko na hihintayin kita.

     Stay smile Kurt. Mahal na mahal kita.

Sinarado nya na ang papel at napatingala dahil sa pagpipigil na 'wag umiyak.

****

Pumunta si Kurt sa puntod ni Abbie 'yun ang kauna unahan nyang pumunta. Dahil sa mismong burol at libing nito ay hindi siya pumunta.

"Abbie ngayon ko lang nabasa ang sulat mo. Tapos ngayon nasa may likuran ko lang ang mga bodyguard limang metro lang ang layo nila sa akin. Paano pa ako nyan makakapagpakamatay? Pinipigilan mo ako palagi. Pero pangako hindi ko na ulit gagawin 'yon katulad ng sabi mo. Promise ko mabubuhay ako ng matagal at aalagaan ko si Kherl Jane at mamahalin ko siya katulad ng pagmamahal ko sa'yo. Alam mo ba ang saya ko nong wala ka sa buhay ko.. Maayos lang walang gulo pero mas masakit pala nong nawala ka. Parang hindi ko kakayanin pero para sa'yo kakayanin ko. Promise ko rin ngingiti ako tulad ng hiling mo. Tatanggapin ko ng wala ka pero hinding hindi kita kakalimutan. Hinding hindi ka mawawala sa isip at puso ko. Mahal na mahal kita."

****

"Hoy bata bakit ka nag-iisa?" Tanong ng batang babae sa kanya. Hindi nya ito pinansin at tinalikuran nalang.

"Ang sungit mo!" Sabi nito sa kanya kaya napalingon siya.

"Ano bang pakialam mo?! Hindi mo naman alam kong anong nangyayari sa buhay ko!" Lumapit naman sa kanya ang batang babae at tinignan siya ng maigi.

"Bakit ano bang nangyayari sa'yo?" Tanong nito sa kanya.

"Ano rin bang paki mo? Bakit kailangan mong malaman? We're not even close!" Nag smile naman sa kanya ang batang babae.

"Kahit na mahirap kaya ang hindi nilalabas ang problema. Alam mo ba ako 5 years old palang ako namatay na ang mama ko tapos ang papa ko iniwan ako. Pero buti nalang kasama ko si tito Jacob at syempre ang daddy ko. Kahit hindi ko siya tunay na daddy nandiyan pa rin siya." Tinignan lang naman siya ng bata bago nag salita.

"Buti ka pa nga alam mong wala na siya at tanggap mo. Kaysa naman alam mong buhay pa ang sarili mong mga magulang pero pinabayaan ka na nila. Mas maswerte ka pa rin kasi sa'yo may nagmamahal pa. Pero sa akin? Ako nalang nag-iisa tanging ang sarili ko nalang." Sagot sa kanya ng batang lalaki.

"Pero mas maswerte ka pa rin kasi kahit papaano may pagkakataon na mayayakap mo pa sila. Pero ako hindi na.. Ang papa ko matagal ng hindi nagpapakita huling nakita ko siya limang taon ako at ngayon 12 years old na ako. Pareho lang man tayong iniwan ng parents natin pero magulang pa rin natin sila. Kaya 'wag kang magagalit sa kanila lahat may dahilan kong bakit nangyayari ito sa atin." Sabi sa kanya ng batang babae at lumakad na ito paalis.

Tinignan nya lang ito habang naglalakad palayo at napangiti siya.

"Balang araw magkikita din tayong muli." Bago siya tumayo at lumakad na rin sa kabilang daan.

****

Thank you guys sa mga nagbasa haha. Maiksi lang talaga 'to kasi side story lang naman.

Shout out sa operator ni Kurt na comment ng comment sa bawat chapter haha. Hi sa'yo Kurt mahal na mahal kita pft- 'wag kang umiyak ah. Kasi ganito naging kalabasan ng story mo.



Related Story:

Angel Demon Gangster
The Promises
Mafia Battle

CY28

You Ruined My Life | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon