Fourth

288 36 1
                                    

Kahahatid ko lang kay Abbie sa bahay nila. Pumunta agad ako kay Aron dahil boring lang naman sa condo ko. Siya nalang ang nandito dahil si Archer busy na siya na kasi ang nagpapatakbo ng business ng parents nya.

Sila Ren at Jr naman nasa vacation ulit next year kasi sila na rin mag ha-handle ng business nila.

"Hindi mo man lang sinabi na pupunta ka dito." - Aron

Hindi ko siya sinagot at pumunta agad ako sa fridge at kumuha ng tubig. Nauhaw ako ang init kasi kanina doon kila Abbie.

"By the way anong plano mo?" - Aron

"Hindi ko alam. Tapos ang walang hiyang si Ke ikakasal pa." pero matagal pa naman ikakasal si Ke and Mae matapos pa ng panganak ni Mae 6 months na kasi tiyan ni Mae. Ayaw naman n'yang maglakad sa altar na nauuna ang tiyan.

"Pft- napag-iiwanan na nila tayo." - Aron

Ano nalang ako buti nga sila may mga girlfriend samantalang ako wala. Mag bibirthday nalang ako ulit next year.

"Ano nga full name ni Abbie. Abbie lang kasi ang alam kong name n'ya." Fùck! Kahit ako hindi ko rin alam ang full name n'ya Abbie lang din alam kong name n'ya.

"Hindi ko rin alam." hindi naman kasi ako interesado malaman ang buong pagkatao n'ya.

"Pft- hindi mo ba siya papakasalan?" agad ko naman siyang binatukan.

"Ang dami mong alam.. Paano ko papakasalan 'yun hindi ko naman siya mahal." bakit kaya hanggang ngayon hindi ko pa rin nararamdaman ang mag mahal! Putcha manhid 'ata 'tong puso ko..

"Hahaha pero i hope na kayo magkatuluyan. Para naman 'di kawawa ang anak mo." hindi ko nalang siya sinagot. Kong ano-ano kasing pumapasok sa isipan n'ya.

Umalis na rin naman siya. Kinuha ko ang laptop ko ang nag search ako about sa mga gamit ng baby na dapat bilhin. Bwesit.. 3 months palang namang pregnant si Abbie pero mas excited pa ako kesa sa kanya na bumili ng mga gamit ng baby.

Hindi pa rin naman kami okay ni Ke pero hindi na katulad dati na hindi ko siya pinapansin. Tanggap ko na rin naman kasi na ito na talaga ang kapalaran ko kaya wala na akong magagawa. Tsaka hindi naman ako immature para hindi mapatawad si Ke. Nalaman ko rin kasi na si Alex and Ke talaga ang may plano 'non tapos kasabwat sila Zyrone, Vinz, Shen, Zyniel at ZK.

Hindi ko nga akalain na mag kasabwat silang lahat. Kaya pala sinasabi sa akin ni Zk na ako na ang susunod. Pero parang ang unfair naman kong kay Ke lang ako magagalit. Syempre naiinis din ako kila Zyrone, Zk, Vinz, Zyniel, Alex and Shen. Kaso nga lang nagkakataon talaga na kapag badtrip ako si Ke ang nandyan.

Kaya hindi ko maiwasan na sisihin siya. Ang swerte nong lima kasi nga kapag badtrip ako wala sila. Tapos next month manganganak na si Mae parang ang bilis lang.

Parang naalala ko lang dati high school pa lang kami tapos ngayon magkakaroon na kami ng pamilya. Nakakamis 'yung mga panahon na wala pa akong pinoproblema bukod sa boring ako, mga gawain sa school at sa pag bantay ko kay Nicole.

Nakakalungkot lang si Zk and Nicole naman wala na sa Pilipinas do'n na sila sa New Zealand. Ang layo ng narating 'no? Gift kasi nila tita at tito na mag world tour sila. Doon sila mag-uumpisa sa pinakamalayo. Una don don sila sa maldives.

Nag ring ang phone ko at si Abbie ang tumatawag.

"What?" tanong ko kaagad sa kanya.

"Kurt si kuya binugbog na naman." the hell.

"Then? Hindi ko naman kasalanan na mabugbog siya ano ba kasing pinanggagawa n'ya?!" pinatay ko na kaagad ang tawag at hindi ko na hinayaang sumagot si Abbie.

You Ruined My Life | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon