Notes: May SPG ang part na 'to haha. Kaya 'wag kayo sa mga pa inosente at inosente diyan 'wag nyo nalang basahin.Kurt Point of view
6:00 am palang gising na ako at in-open ko ang phone ko. Wala na ang uncle ni Abbie dito dahil 4:00 am palang umaalis na 'yun dito dahil halos 15 minutes din ang paglalakad non papunta sa mansion..
Ako palang ang gising sa aming tatlo. Tumingin ako sa kaldero na walang laman. Makaka saing 'ata ako ng 'di oras ngayon. Ginugutom na kasi ako dahil hindi naman ako kumain kagabi kasi nga kulang 'yung bigas na na saing ni Abbie. Minsan kasi hindi umuuwi dito 'yung uncle ni Abbie kasi naman may kasama na 'yung anak nya. Yun nga lang umuwi siya kagabi kaya ako ng nagparaya at hindi kumain.
Nilinisan ko ang kaldero at nagpabaga sa kalan. Kinuha ko ang bigas sa isang balde at nagsaing nag tatlong takal.
God! Hindi ko akalaing gagawin ko ito sa buhay ko..
8:00 am tapos na ako sa mga gawain ko tapos na rin ako mag luto ng ulam.
"Wew Kurt ikaw itong nagluto?" Hindi makapaniwalang sabi ni Abbie nakahain na kasi sa lamesa ang hinanda kong agahan namin.
Nagluto ako ng ulam namin na pritong isda at sinigang din na isda.
"Yah, why?"
"Gosh, marunong ka pala mag luto?" Tinawag ko naman si Kevin na kagigising lang din.
"Yeah, kain kana. Wala na pala ditong stock anong uulamin natin mamaya?" Tumingin naman ako sa phone ko ng nag beep ito.
Nag text si Elca na pumunta raw ako ng mansion dahil ihahatid na ako sa Isla De 5 Angel mamayang 1 pm.
"Abbie aalis na tayo mamayang 1 pm dadaanan ko nalang siguro kayo mamaya dito. Pupunta mo na ako ngayon doon sa mansion." Napatigil naman siya sa pagkain.
"Kumain ka muna bago ka pumunta doon. Napag paalam ko na rin kagabi kay Uncle si Kevin kaya okay na siya doon." Sabi naman sa akin ni Abbie.
****
Nandito na kami ngayon sa isla. Seryoso ang ganda dito simple lang din. Hinatid kami kong saan kami pwedeng tumira.
Kinahapunan niyaya ako ni Kevin na manginas para raw may maulam kami. Hindi ako marunong manginas kaya hindi ko alam kong anong gagawin.
Kaya naman sumama nalang ako sa kanya pero itong si Abbie makulit din gustong sumama.
"Abbie 3 pm na dapat doon ka lang buntis ka pati." Pero ayaw sumunod sa akin maboboring lang daw siya doon.
"Sige na Kurt sama na ako, please." Ano pa nga bang magagawa ko.
"Sige na," niyakap nya naman ako tapos potek! Hindi ako malagalaw sa kinakatayuan ko kahit 'yung bumitaw na siya sa pagkaka yakap sa akin.
Lumakad kami hanggang sa dulo nitong isla. Sa totoo lang hindi naman ako nahirapan kasi sobra talagang dami shell na naka dikit lang sa mga batuhan.
Inalalayan ko pa si Abbie dahil baka matumba siya sobra kasing daming bato.
"Dahan dahan ka lang Abbie maglakad baka madapa ka." Inirapan nya naman ako ng sinabi ko 'yun.
"Duh? Mas ikaw dapat ikaw ang hindi sanay sa ating dalawa." Hindi nalang ako umimik tama naman talaga siya mas muntik pa nga akong matumba kaysa sa kanya. Pumatong kasi ako sa isang bato kanina akala ko hindi madulas ayon muntik akong matumba. Ang nag-alalay pa sa akin si Abbie.
****
Nagluluto na ngayon si Abbie ng ulam..
Para na talaga kaming isang pamilya.
BINABASA MO ANG
You Ruined My Life | ✔
Action"Sinira n'ya ang buhay" "Masaya ako 'nong wala siya sa buhay ko" "Pero mas naging magulo 'nong nawala na siya sa buhay ko" - John Kurt Brionex Stravinsky