Kurt's POVNgayong araw na ang kasal ni Ke and Mae kay kahit ayaw ko man pumunta. Kailangan kong gawin baka magtampo si Mae, e. Lalo na si Ke baka mag drama.
Dalawa kami ni Abbie na pumunta sa church pero nasa labas lang si Abbie. Ayaw nya kasing pumasok kinuha ko nalang sa kanya si baby. Para na rin ipakilala ko sa kanila. Gusto ko rin makita ang baby ni Mae and Ke. Lalaki ang anak nila.
Ayaw ko man na hindi makita ang mga parents ko pero hindi ko mapipigilan. Makikita ko pa rin sila kahit anong gawin ko.
Agad kong nakita sila Zk, Alex, Vinz, Zyrone at Shen. Lumapit ako sa kanila at napatingin naman sila sa akin.
"Pumanget ka Kurt, long time no see." - Alex
"Umitim ka dude haha. Pero good to see you again." - Shen
"Hey, it's been a long time." - Vinz
"Musta?" - Zyrone
"Hey," - Zk
Pinakilala ko naman sa kanila si Kherl Jane. Napatingin ako kay daddy na nakatingin sa akin ngayon. Umiwas nalang ako ng tingin sa kanya.
Nakipag kwentuhan pa ako sa kanila kasi alam ko matagal na naman ulit kami makakabalik dito. Sa tingin ko rin last na namin na magkakasama nitong lahat. Aalis na rin kasi sila dahil may kanya kanya na silang business. Parang dati lang wala pa kaming mga iniintindi. Ngayon may kanya kanya na kaming responsibilidad.
"Kamusta mo nalang ako kay Abbie dude," sabi naman ni Alex.
Pumunta ako kay Ke and Mae at binati sila. Pinakilala ko pa nga kay Kherl Jane ang anak ni Ke and Mae.
Pupunta na kami ngayon sa reception pero hindi na ako sumunod. Baka kasi naiinip na si Abbie kahihintay doon sa labas.
Lumakad na ako palabas pero napahinto ako ng makita ko siyang maka usap na lalaki. Mukhang si Lance 'yong ex nya.
Lumapit pa ako sa kanila pero napahinto ako ng marinig ko ang pinapag-usapan nila.
"Abbie tangna naman, e! Ako ang ama ng bata pero bakit naka pangalan sa kanya! Sinabi ko naman 'di ba sa'yo itatama ko lahat ng mga pagkakamali ko! Itatama kong lahat! Pananagutan kita pero bakit sa ibang lalaki pinapanagutan! Nakaka gago lang!" - Lance
"Lance tama na please. Maayos na ang buhay ko! Hindi ikaw ang ama nya kundi si Kurt. Si Kurt lang walang iba!" - Abbie
"Wala naman sa inyong nangyari 'di ba ni Kurt nong gabing 'yon? Sinabi mo 'yon sa akin mismo. Lasing na lasing non si Kurt at hindi nya na kinaya ang pagka lasing. Kaya wala sa inyong nangyari kaya 'wag mo kong gaguhin! Tangna naman Abbie." - Lance
"Tama na Lance tama na!"
Gusto kong tumakbo palayo dahil sa mga naririnig ko. Hindi ako makapaniwala na ako niloloko ni Abbie. Tumingin naman sa akin si Lance at napatingin din si Abbie.
"Kurt," gusto ko siyang saktan. Pero ayoko masyadong masakit ang mga narinig ko. Ganito ba ako kamalas kapag may kinakasal?
"Kurt," binigay ko sa kanya si Kherl Jane. Narinig ko ang pag-iyak ni Kherl Jane nang ibigay ko sa kanya. Gusto na ng tumulo ng mga luha ko pero pinigilan ko.
"T-totoo ba?" Ayoko marinig ang katotohanan dahil alam kong sobrang sakit non. Pero kakayanin ko pa naman, e.
"Kurt I'm sorry." Napapikit ako sa sinabi nya at agad na tumakbo. Gusto kong bumalik kasi naririnig ko pa rin ang pag-iyak ng anak ko.
Anak ko 'yon, e! Anak ko! Hindi sa kanya! Bakit ba ganito ang buhay ko? 'Yong pinili ko sa lahat siya pa ang gagawa nito sa akin. Hindi ko na kaya! Sobrang sakit na. Mas okay pa nong hindi na lang ako nagmahal kaysa ngayon. Hindi ko na kaya 'yong sakit sobrang sakit.
BINABASA MO ANG
You Ruined My Life | ✔
Action"Sinira n'ya ang buhay" "Masaya ako 'nong wala siya sa buhay ko" "Pero mas naging magulo 'nong nawala na siya sa buhay ko" - John Kurt Brionex Stravinsky